Primetime show na tinutumba ng kalaban, matetegi na!
Mas lalong nagkahipitan sa taping ng ilang programa dahil sa pangamba sa pagkalat ng Delta variant. Isang staff ang nakatsikahan namin na feeling masuwerte pa rin siya dahil tuloy pa rin ang trabaho niya kahit nagkabawasan na ng mga staff sa isang show.
Sabi niya, kapag nasa lock-in taping ka ng isang drama series, wala na talagang tinatanggap na delivery na food sa loob ng location.
Mas lalong hinihigpitan daw ang pakikipagtsikahan sa labas ng kuwarto at lalong bawal ang mangapit-kuwarto.
Regular pa rin ang check ng temperature at may schedule ng swab test kahit nasa bubble na.
Ganundin din ang tapings sa studio. Mas limited na ngayon ang mga staff sa loob. Kung naka-assign ka sa dressing room, doon ka lang. Hindi puwedeng lumipat-lipat. Kung nasa studio ka sa may stage, doon ka lang talaga.
Ang ibang writers naman, pagkatapos magpa-interview ang guest o resource person, dapat uwi na sila at doon na sa bahay nila sila magsulat.
Hindi na raw puwedeng tumigil sa loob ng studio o sa istasyon mismo kung tapos na ang ginagawa mo.
Ang hirap at wala na ‘yung camaraderie sa kapwa staff dahil iniiwasang magkaroon ng contact.
Pero ang mahalaga na lang ngayon ay may trabaho ka.
Mabuti na lang at may telepono at social media at doon na lang ang connection ng mga magkatrabaho at magkakaibigan.
Samantala, isang programa sa primetime ang posibleng matitigbak dahil natatalo na ito ng katapat na programang hinu-host ng sikat na radio & TV personality.
Medyo matindi raw ang show na ipapalit na parang magazine show. Pinag-uusapan pa kung sino ang bigating personalidad ang maghu-host.
Ang problema lang, nakakaawa naman ang ilang staff na matetegi dahil hindi na sila kailangan sa bagong show.
Ang hirap pa namang mawalan ng trabaho ngayong pahirap na pahirap pa ang inabot natin sa pandemya.
Elijah at Kokoy, laging handa sa romansahan
Bagong normal na takbo ng buhay na ang kuwentong mapapanood sa Gameboys the Movie na streaming na sa KTX.Ph at Ticket2Me nung nakaraang Biyernes, July 30.
Napanood namin ang advance screening nito sa press, at hindi kami na-disappoint.
Maganda kasi at nakakaaliw ang BL series nito, kaya curious kami kung ano kaya ang pagkakaiba ng movie version. Ibang-iba nga! Maayos ang takbo ng kuwento na mas nag-focus sa kuwento ni Gavreel na ginagampanan ni Kokoy de Santos.
Kung patakim lang ang kissing scene sa BL series na napapanood sa YouTube, dito ay tala-gang piyesta ang labi nina Kokoy at Elijah Canlas sa halikan at laplapan. May bed scenes pa sila with matching pa-condom na ginagamit, pero hindi mahalay ang pagkakagawa.
Inakma naman sa level ng fans nila na karamihan ay mga kabataan.
Bukod sa magaling ang dalawang bida, kitang-kitang kumportable sila sa mga ganito kaselang eksena. “Ako pa ang tinanong mo? Iyong mga ganyang eksena, game na game ako diyan! Gusto ko iyan!” mabilis na sagot ni Kokoy kung gaano sila ka-kumportable sa mga kissing at bed scenes nila.
“Ako rin po, game na game! Everytime na nagka-cut, nakahubad na lang kami doon ni Kokoy, nakaupo lang kami. Game na ba? Game na ba? Ready na ba ang next set-up?’” dagdag naman ni Elijah.
Maganda ang feedback at talagang todo ang promote ng mga fans nila sa social media, kaya di nalalaglag sa top ten trending ang #gameboysthemovienowshowing.
Nakipag-partner pa ang producer nitong Gameboys na IdeaFirst Company at Octobertrain Films sa isang international company sa Japan na 108JAPAN Co., Ltd, Aeon Entertainment Co., Ltd at Hakuhodo DY Music & Pictures Inc.
- Latest