Mga atletang may potential, kailangang alagaan
Ngayong napatunayan ni Hidilyn Diaz na kayang magka-Gold ng Pinoy sa Olympics, dapat siguro i-assess na rin natin ang priority natin sa sports.
For so long, sobrang hilig natin sa basketball. Alagang-alaga ang basketball players, malalaki ang suweldo, laging priority sa lahat, pero never tayong nakakuha ng Gold o anumang mataas na puwesto.
Parang hindi naman natin kaya ang larong iyon dahil mas malaki, mataas, at siguro talagang mas mahusay ang ibang bansa sa basketball. ‘Yung swimming, track and field, boxing, at heto, weightlifting, baka dito tayo mag-excel, dito tayo maging champion.
World class sina Manny Pacquiao at Hidilyn Diaz, meron tayong Elma Muros noon, pati Onyok Velasco. ‘Yung sports na puwede tayong sumabay, iyon ang alagaan natin. Bigyan din natin ng malaking suporta, bigyan ng malaking incentives, suweldo, alagaang mabuti sa pagkain, sa quarters nila, sa training. Baka ‘pag maganda ang ginawa nating pag-aalaga, sa mga susunod na Olympics baka medyo dumami na ang Gold natin, makilala na tayo na mahusay sa sports.
Malaki ring tulong iyon sa bayan natin, dahil nag-iiba ang premium ng bawat Pilipino basta may sikat na nakikilala.
Hindi ba kahit papaano ang yabang mo ‘pag nasa Immigration ka, at nakitang Filipino passport, sasabihin ng nag-interview sa iyo “Manny Pacquiao, Filipino?” ang sarap ‘di ba? Kaya nga, alagaan na natin mga atleta natin, para mas dumami pa ang masungkit nating Gold hindi lang sa Olympics kung sa ibang sports competition.
Pero teka sa rami ng mga tatanggaping premyo ni Hidilyn, siguro ‘yung team niya malaki rin ang magiging komisyon. Kasi kung hindi kasali sa bibigyan ng premyo ang Team HD, kayang-kaya na ni Hidilyn na bigyan ng balato ang bawat isa.
Almost P100M na halos kung isasama mo pati house and lot, condo, kotse, biyahe at gas. So sa cash kung share niya ang team niya, ok lang siguro, pero sana may ibibigay din sa mga member ng team na naging bahagi rin para makamit ni Hidilyn Diaz ang Gold.
- Latest