Lani napasabak sa mga binaha, walang tigil na ulan naka-anxiety
Siguro sobrang pagod ngayon ni Mayor Lani Mercado.
Grabe ang nangyari sa Imus at Bacoor dahil sa pagtaas ng tubig na naging dahilan para i-relocate ang mga nakatira sa mga apektado ng baha.
Walang magawa sa biglang pagtaas ng tubig at wala pang hinto ang ulan. Ilang pamilya iyon na kailangang ilikas sa ligtas na lugar. Walang tulog ang buong pamilya Revilla dahil sa apektado ang Cavite sa bagyo.
Mabuti na lang at nakahanda pala ang evacuation center at supplies para ibigay sa mga tao.
Sobrang nakabigla sa lahat ‘yung pagtaas ng tubig at hindi akalaing maaapektuhan ang maraming nakatira sa baybayin ng Imus at Bacoor.
Talagang mabuti na lang at maayos na ang kondisyon ni Mayor Lani na medyo tinamaan din ng sama ng katawan dahil sa pagod ng nakaraang mga araw.
Mabuti na lang at nandiyan din sina Jolo at Bong para umalalay sa kanya. Buong pamilya nga ngayon ang tulung-tulong para maayos ang sitwasyon.
Sana maging maayos na ang lahat.
Kaloka naman kasi itong walang hintong ulan. Malakas maka-feeling mahirap, hah hah hah.
Hindi ba ‘pag ganyang may ulan, tumutulo ang bahay n’yo at iniisip mo ang pambili ng pagkain ng pamilya mo, parang wala ka nang pag-asa sa mundo?
Iyan siguro ngayon ang nasa isipan ng mga nawalan ng bahay na tinangay ng baha, mga bahay na wala nang bubong dahil nasira na ng ulan.
Naku, ewan ko ba, ‘yung feeling ng anxiety ‘pag ganito ang panahon, ayaw umalis sa utak ko dahil nakikita mo sa TV ang maraming taong apektado. So miserable na iniisip mo na paano iiwasan ang COVID-19, heto pa ang ulan.
Kaloka talaga, pero hindi ka naman bibigyan ng ganyang sitwasyon kung ‘di mo kakayanin. Kaya kapit lang, meron pa ring pag-asa, meron pa ring puwedeng gawin. Basta habang may buhay, meron tayong puwedeng gawin, merong puwedeng mangyari. Just wish for the best. As always, magdasal tayo. God is good. Hindi tayo pababayaan.
- Latest