^

PSN Showbiz

Joshua, gusto ring maging movie producer matapos ang investment sa academy rock

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, gusto ring maging movie producer matapos ang investment sa academy rock
Joshua
STAR/ File

Malaki ang naging impluwensya ni Enchong Dee kay Joshua Garcia upang pasukin ng huli ang pagnenegosyo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng negosyo si Joshua. Isa ang aktor sa mga investor ng ­Academy of Rock Philippines. “Nagsa-study kasi  ako ngayon ng Business Enterpreneurship and I want to learn more about business. I think this is going to be my training ground. No’ng pinitch sa akin, tinour nila ako sa lugar, nagustuhan ko siya. Music kasi is very close to my heart. So sabi ko ‘di naman masama to invest din dito. Hindi lang naman kasi pera ‘yung in-invest ko dito, time din and friendship,” pagbabahagi ni Joshua.

Nagpaplano ngayon ang aktor na bukod sa pag-arte ay bibigyang panahon na rin ang musika. Gustong pag-aralan ni Joshua ang pagtugtog gamit ang iba’t ibang musical instruments. “Ngayon mas focused pa din talaga ako sa acting but ang laking part din talaga ng music sa akin. Iba ‘yung pagmamahal ko sa music. Walang araw na ‘di ako nakikinig sa music. Mas focused pa din ako sa acting pero gusto kong matuto ng iba’t ibang intruments and I think makakakatulong sa akin ang Academy of Rock. Mag-e-enroll talaga ako dito,” paglalahad ng binata.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring makapag-invest ni Joshua sa paggawa ng pelikula. Nangangarap ang aktor ngayon na maranasan ang pagiging isang film producer. “Gusto  ko rin makapag-produce ng movies. I’m just very optimistic dito sa Academy of Rock. Gusto ko na mas maging successful kami. Makapagtayo ng iba’t ibang branches pa. Mas marami kaming matulungan na local artist pa na mas ma-hone ‘yung talent nila,” pagtatapos ng aktor.

Erich, may natutunan sa pagmamahal sa sarili

Maraming mga bagay ang natutunan ni Erich Gonzales mula sa kanyang mga karakter na ginagampanan sa La Vida Lena.

Sina Magda at Lena ang mga karakter na binibigyang buhay ng aktres sa serye. “Maraming lessons talaga silang matututunan from La Vida Lena and I feel like ‘yung kwento is very relatable. Iba rin kasi talaga ‘yung pagmamahal eh. Kasi hindi lang para sa pamilya, pati sa sarili.

“Kasi lahat tayo meron tayo no’n. Kumbaga innate na ‘yon sa atin. One thing na hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi ni Magda na no’ng tini-tease siya at binu-bully siya, sinabi niya na hindi naman sila nagma-matter sa kanya. So hindi importante ‘yung opinion nila. I guess it’s human nature, I feel like everyone talks talaga. Kumbaga nasa sa ‘yo lang ‘yan kung magpapaapekto ka ba or kung ano ‘yung gagawin mo. Kumbaga ‘yun perspective, gano’n lang,” paliwanag ni Erich.

Para kay Erich ay isang malaking hamon bilang aktres ang pagganap sa dalawang magkaibang karakter. Hindi rin dapat makapareho ang istilo sa pagganap sa ibang karakter na nagampanan ng dalaga noon ang kanyang mga ginagawa ngayon. “Pinaka-challenge lang talaga is ‘yung paano maging iba ‘yung ipapakita natin sa mga nagawa na nating projects before. Kung paano siya hindi magiging same lang sa mga past projects na nagawa natin and with the help of our directors okay naman ‘yung kinalabasan,” giit ng dalaga. (Reports from JCC)

ERICH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with