^

PSN Showbiz

Aktres OA ang kamalditahan, walang panama sa kabaitan ng BF at nali-link sa kanya

Pilipino Star Ngayon

Walang pinipiling lugar ang tsismis. Kahit saan at kahit kailan, walang lusot ang mga pampublikong pigura, para silang isda sa loob ng aquarium na pinagpipistahan.

Bidang-bida sa pagpipista sa isang malaking opisina ang isang female personality na matagal nilang nakasama. Matagal, dahil bumiyahe ang babaeng personalidad papuntang ibang bansa, kasama ang karelasyon niyang male personality.

Kuwento ng aming source, “Ayaw na ayaw nila kay girl! Sumisimangot sila kapag naririnig ang pangalan ng female personality, para silang nakakaamoy ng kung anong mabaho!

“Ilang oras kasi nilang nakasama sa biyahe ang girl at ang boyfriend niya, nice daw ang guy, pero ang girl? Suplada! Palaging nakasimangot, parang pasan niya ang daigdig, maldita!” unang paglalarawan ng aming impormante sa pamosong female personality.

Natural, dahil kilala nga siya ay mara­ming kababayan nating kasabay nila sa flight ang may gustong makapagparetrato na katabi siya, pero nabigo silang lahat.

Patuloy ng aming surce, “Sa ground pa lang, e, may nakapagsabi nang pala­ging nakasimangot ang girl. Meron sanang janitor na gustong makipag-selfie sa kanya, pero hindi niya pinansin. Deadma lang siya!

“Nagtulug-tulugan pa nga siya habang naghihintay sila ng flight ng boyfriend niya. Alam mo namang gising na gising siya, pero umiiwas lang siya sa mga magpapa-picture sa kanya!

“Huwag naman sana siyang makatulog habambuhay, kasi nga, ginagamit niyang excuse ang pagtutulug-tulugan kapag may lumalapit sa kanya para makipag-selfie!

“Very nice daw ang male personality, nakikipag-usap pa nga siya sa mga pasahero at flight attendants! Pero ang girl, kahit nagtutulug-tulugan na, e, nakasimangot pa rin ang datingan!

“Mula nu’n, wala na silang interest sa female personality. Totoong-totoo raw pala ang mga kuwento tungkol sa kanyang kamalditahan. Hindi raw naman pala fake news ‘yun!” napapailing pang kuwento ng aming impormante.

Kung mabait kuno ang boyfriend ng malditang female personality ay mas mabait ang male personality na nauugnay din sa kanya ang pangalan pero wala naman silang relasyon.

“Ay, ‘yung guy na ‘yun ang panalo! Gusto siya ng kahit sino dahil kahit sikat na sikat siya, e, walang kayabang-yabang at kaangas-angas!

“Hindi sila bagay ng simangutera at malditang babaeng ‘yun! Hinding-hindi!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Marjorie, ­hinuhusgahan sa panget na ­relasyon ng mga anak sa ama

Nag-one-plus-one ang ating mga kababayan. Oo nga naman. Nakanino nga kaya ang problema, nasa nanay ba o sa mga anak, bakit ganu’n ang sitwasyon?

Anak sa una ni Marjorie Barretto si Daniella, si Kier Legaspi ang ama nito, anak naman niya si Julia kay Dennis Padilla.

Hindi man magkamukha ang magkapatid kahit isa lang ang kanilang nanay ay meron silang pagkakapareho. Hindi kasundo nina Dani at Julia ang kanilang mga tatay.

Kung lalaliman natin ang pag-iisip ay si Marjorie ang babagsakan ng sisi bakit ganu’n ang kanyang mga anak sa kani-kanilang ama. Siya kasi ang kasama nina Dani at Julia, siya ang gumagabay sa magkapatid, pero bakit pareho ang damdamin nina Dani at Julia sa kani-kanilang ama?

Naniniwala kami na may independenteng pag-iisip na sina Dani at Julia, nasa wastong gulang na sila, pero mas naniniwala kami sa malaking partisipasyon ng ina sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.

Sabi nga, kung ano ang naririnig-nakikita ng mga bata sa matatanda ay ‘yun din ang kanilang ginagawa, ‘yun ang kanilang ginagaya.

Ayaw naming husgahan si Marjorie bilang ina na kulang na kulang sa paggabay sa kanyang mga anak, pero ‘yun ang lumalabas ngayon, dahil hindi maganda ang relasyon ng kanyang mga anak sa mga tatay nila.

Dapat ay kay Marjorie nagmumula ang pagpapaunawa sa kanyang mga anak na anuman ang kakapusan at kalabisan ng kanyang mga dating karelasyon ay hindi pa rin natin maitatanggi ang katotohanan na ama pa rin nina Dani at Julia sina Kier at Dennis.

Hindi magandang ehemplong lumalabas ang lantarang matabang na relasyon ng magkapatid sa kanilang mga tatay, kawalan ‘yun ng pasasalamat, dahil kung wala ang kanilang mga ama ay wala rin sila ngayon sa mundong ibabaw.

Kumbaga sa boksing ay si Marjorie ang inaasahan ng ating mga kababayan na tatayong referee, siya ang tagaawat kapag nagkakasakitan na ang magkabilang panig, dahil nasa kanyang pagkandili nga sina Dani at Julia.

One-pus-one lang.

DEADMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with