^

PSN Showbiz

Direk Andoy, maraming pinatamaan sa ‘basura’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Direk Andoy, maraming pinatamaan sa ‘basura’
Andoy
STAR/ File

Gaya sa tanong ko sa issue na alin ba ang mas importante, ‘yung umpisa o ending, ang nauna o nagtapos?

Ganito rin siguro magiging tanong ko sa sinabi ni direk Andoy Ranay na alin ang importante, quality pero walang franchise, o merong franchise pero basura? Pero puwede ring itanong na lang kung paano ba i-qualify ang basura pagdating sa mga show na ginagawa?

Saka puwede ring itanong kay direk Andoy  kung patama ba sa GMA 7 ‘yung sinabi niya? Kasi masyadong sweeping ‘yung pahayag, para bang isinara na ni direk Andoy ang pinto at bintana niya sa GMA 7 eh gaya ng mga nangyayari ngayon na biglang nagugulat ka na solid Kapamilya nagiging bagong Kapuso like direk Johnny Manahan and Mariole Alberto, para naman hindi mo iisiping sasabihin ito ng isang director na gusto ring magtrabaho sa lahat.

Si direk Lauren Dyogi ay very friendly at magalang, at very sure ako na hindi magsasalita ng ganito. Ganundin ang pagkakakilala ko kay direk Andoy Ranay, hindi siya magiging ganun kayabang para tumawag ng basura sa gawa ng kapwa niya direktor.

Hindi GMA 7 ang tinamaan sa pasaring ng word na basura, ang director, writers at mga artista na gumawa ng show.

Para iyan isang bahay, ‘yung nakatira ang responsable sa nangyayari sa loob ng bahay. Ang GMA 7 ang naging bahay ng tinatawag ni Andoy Ranay na mga basura. Pero para namang imposible na sa rami ng mga nanood at tumangkilik all these years sa GMA 7 shows, lahat iyon basura sa tingin ni direk Andoy?

Christopher at Ruru, suwerte sa lock-in

Nakakatuwa naman pala ‘yung lock-in basta ang lugar ng taping ay maluwang tulad ng sa Lolong na sa Villa Escudero ginawa. Mas maluwag ang kilos ng lahat, may sariwang hangin at maganda ang paligid.

Tulad din ‘pag ang lock-in eh sa tabing dagat dahil puwedeng mamasyal at sumagap ng sariwang hangin o kaya maligo sa dagat ‘pag pumayag ang production. Kasi nga ‘pag ang lock-in sa hotel, at ang location ay isang bahay lang, hayun na, parang hindi na makahinga ang lahat dahil nga parang walang space.

Tuwang-tuwa sina Christopher de Leon at Ruru Madrid na ang luwang ng lugar kung saan sila nag-taping ng Lolong. Aside from mahangin at open space, maganda ang scenery sa paligid.

Suwerte ng Lolong at mukhang tuluy-tuloy ang taping. Hindi tulad ng nangyari sa soap nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na sa January na ang balik-taping after ng first lock in, grabe na halos buong taon ang nasayang sa sked ng naturang soap. Kalokah talaga.

RURU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with