Jinkee iniintriga sa halaga ng suot na pajama
Iniintriga na naman si Jinkee Pacquiao sa suot niyang pajama habang nasa bakasyon sa Los Angeles bago ang laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas sa August.
Sa pajama pa lang daw kasi na Louis Vuitton ang brand, almost P100,000 na.
Paano pa raw ang Hermes bag at shirt niya, plus shoes and cap. Ang mga alahas niya pang suot.
Strolling around L.A ang family ni Sen. Manny habang nagti-training ito sa kanyang laban sa August 21 kay Errol Spence Jr.
Ahh ang tagal din naman kasing hindi nakarampa ni Jinkee kaya ‘di na dapat gawing big deal ang mga OOTD niya ngayon.
Saka pera naman niya ‘yun.
- Latest