Mga alaga ni Ogie nasa Star Magic na
Hawak na ng Star Music, ang mga alaga ng A Team, na mina-manage ng multi-awarded singer-songwriter Ogie Alcasid.
Kabilang dito si Poppert Bernadas. Kilala na si Poppert sa teatro kung saan naging bahagi siya ng mga kilalang plays tulad ng Rak of Aegis. Ang nasabing play ang naging daan para subukan niyang mag-audition para sa The Voice Philippines. Sa kanyang long list of achievements, isa si Poppert sa naging miyembro ng The Ryan Cayabyab Singers sa pamumuno ni Maestro Ryan Cayabyab.
Ganundin si Moira Lacambra. Ang promising A-Team member na ito ay nagmula sa pamilya ng musicians at pamangkin ng ethnic singer and musician na si Joey Ayala. Sa murang edad na 13 years old unang nag-perform si Moira at pormal na nag-aral ng voice training. Maswerte siya dahil nakapag-release siya ng kanyang sariling single na First Date noong siya ay 16 years old pa lamang.
Kung may isang salita para mailarawan si Lara Maigue, ito ay kanyang pagiging passionate. Passionate siya sa kanyang kanta, pag-perform, at ngayon, ang pagluluto. Naging bahagi siya ng singing group na Opera Belles, na under ng Sony Entertainment. Naging finalist sa PhilPop Music Festival at nadiskubre siya para sa lead role sa isang musical teleserye noong 2011. Parehong taon na iyon ay nadiskubre siya ni Ogie bilang kauna-unahang talent sa kanyang agency.
Mula 2013, siya ay naiimbita sa mga show around the world bilang soprano classical singer at stage work sa mga theater at opera.
Ang pagiging bahagi ng Star Magic, bukod sa A-Team, ay parang full circle para kay Davey Langit. Ang kanyang unang big break ay nag-umpisa nang maging parte siya ng ABS-CBN songwriting na Pinoy Dream Academy noong 2006, ito ay nagbigay sa kanya na maging bahagi ng premier talent management ng network.
Bumilis ang tibok ng puso ni Krystle nang malaman ang magandang balita na bahagi na siya ng Star Magic. Labis ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap dahil ang iba sa kanyang mga nakasama noon na sina KZ Tandingan at Inigo Pascual ay Kapamilya na niya.
Isa namang wonder kid na maituturing si Aikee. Siya ay nagsimula bilang isang rap artist noong siya ay six years old, at para matupad iyon, isa siya sa batang rappers na nagawang maglabas ng kanilang album. Kabilang na rito ang 2013 hit song na Dota o Ako at sumali at manalo sa songwriting competitions gaya ng Himig Handog 2017.
Nagsimula siya sa simpleng streaming sa KUMU at naging daan para ma-discover si Anthony Barion ng A-Team. Bukod sa kanyang talento, dala ni Anthony ang positive work ethics sa show business, dahil mahigpit ang kumpetensya sa industriya.
Nakilala naman si Gian Magdangal bilang isa sa mga elite set of artists at A-Team member. Kahit na gumawa na siya ng pangalan sa theater industry, binasag ni Gian ang mainstream industry nang manalong runner-up sa Philippine Idol noong 2006. Pero ang interesting sa kanyang colorful career ay naging performer siya sa mga international theme parks sa Hong Kong at Japan. Dahil sa pandemya, kinailangan niyang umuwi at ipagpatuloy ang kanyang passion sa pag-produce ng sarili niyang kanta at performance sa bansa.
Bongga na rin si Ogie, talagang parami nang parami ang alaga niya sa A-Team. Pero ang bibilib ka rin sa kanya, kahit kaya na niyang i-manage ang career niya loyal siya sa talent manager niyang si Leo Dominguez na talaga namang sa kabila ng pandemic, tuloy ang pagiging busy ng iba pa niyang alaga tulad ni Lovi Poe.
Anyway, may isang eksklusibong feature para sa mga bagong Star Magic Kapamilya ang makikita sa Metro.style.Mapapanood din Star Magic Black Pen Day sa July 18, 9:30 ng gabi sa A2Z at Kapamilya Channel.
- Latest