^

PSN Showbiz

Joem, umaasang makakabangon ang kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Disyembre noong isang taon nang isilang ni Meryll Soriano ang kanilang anak ni Joem Bascon. Ngayon ay talagang ine-enjoy umano ng aktor ang pagiging ama sa pitong buwang gulang pa lamang na supling. “Masaya, kalmado, sobrang saya. Hindi ko siya mapu-put into words. Ini-enjoy ko every moment,” nakangiting bungad ni Joem.

Samantala, isang taon na ang nakalilipas nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Kahit walang prangkisa ang Kapamilya network ay patuloy pa ring nakapagtatrabaho ang aktor. “I’ve been working since I was 19 years old. I’m 34 ngayon, hindi ko naisip na nag-shutdown tayo. Nandito pa rin tayo, nagkikita-kita pa rin tayo. Itinatawa pa rin natin siya, siyempre may lungkot. Pero after one year nakakapagbigay pa rin tayo sa kapwa Pilipino natin ng mga magagandang teleserye at show. Hindi siya mawawala kahit anong mangyari sa atin,” paglalahad ng aktor.

Umaasa si Joem na muling makababangon ang ABS-CBN kung sakaling mabigyan ng panibagong prangkisa. Para sa aktor ay malaki ang naitutulong ng TV network sa bawat pamilyang Pilipino. “Ang ABS-CBN hindi naman titigil ‘yan sa serbisyo sa mga Kapamilya at sa mga Pilipino. Kung ano man ang nangyari sa atin, pinagpatuloy pa rin natin ‘yung serbisyo para sa kapwa natin kababayan at hindi pa rin nawala sa ating lahat ‘yung gumawa ng dekalidad na mga teleserye, gumawa ng tamang balita, hindi pa rin ‘yon mawawala sa atin,” pagtatapos niya.

Sofia, ayaw pag-artistahin ang anak

Magdadalawang taong gulang pa lamang ang anak ni Sofia Andres at Daniel Miranda na si Zoe.

Kung ang aktres lamang daw ang masusunod ay ayaw nitong pasukin din ng anak ang mundo ng show business. “As of now parang ayaw ko siyang maging artista. Ayaw kong ma-feel niya ‘yung mga bashing, siyempre masakit ‘yon sa nanay. Pero like if she wants, bakit naman natin pipigilan? Kapag naisip niya na mahirap na mahirap sa kanya eh baka mag-change ang isip niya, ‘di ba.”  pahayag ni Sofia.

Habang lumalaki ang anak ay nakikita na umano ng aktres kung kanino ito nagmana sa kanilang magkasintahan. “’Yung kaartehan sa akin. ‘Yung pagka-adventurous niya ay sa daddy niya kasi wala siyang takot sa swimming pool. As in tatalon lang siya sa swimming pool,” kwento niya.

Aminado si Sofia na talagang malaki na rin ang ipinagbago niya mula nang maging isang ganap na ina. “Siguro ‘yung love, iba ang feeling. ‘Yun ang nae-enjoy ko ‘yung unconditional love. Kaya ko pa palang mag-offer ng ganoong kapunong pagmamahal para sa anak. Parang doon ko na-realize na mahal na mahal ko ang mommy ko,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

 

 

 

 

vuukle comment

MERYLL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with