^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad, ibinasura ng kanyang ­mag-iinang ­pinagsilbihan noon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa sa alaala ng mga dating katrabaho ng isang male personality kung gaano niya kamahal ang kanyang mag-iina.

Hindi man kalakihan ang kanyang talent fee ay hindi nakaranas ng gutom ang kanyang misis at ang kanilang mga anak, naibibigay niya ang pangangailangan ng mga ito, responsable siyang ama.

Kuwento ng aming source, “Takang-taka kaming­ lahat ngayon kung bakit naging­ ganyan ang pagtrato sa kanya ng mag-iina niya. Parang hindi na siya nag-e-exist sa mundo!

“Tandang-tanda pa namin na pagkatapos ng shoot o taping namin, e, sa grocery agad ang tuloy ng male personality, binibili niya ang mga kailangan nila sa bahay, pati ang bilin ng mga kids niya!” pag-alala ng aming impormante.

Walang makitang dahilan ang mga ito para danasin ni ____(pangalan ng kilalang male persona­lity) ang pagwawalang-bahala sa kanya ngayon ng mga taong pinagmalasakitan niya at minahal.s

Patuloy ng aming source, “Sige, sabihin na nating nagkamali ‘yung male personality, meron siyang nagawang kasalanan sa wife niya, pero enough na ba ‘yun para siya ganituhin ng mag-iina niya?

“Kalilimutan na lang ba nila ‘yung lahat ng ginawa nu’ng male personality porke meron na silang maipagmamalaki ngayon? Paano na ‘yung mga panahong ang male personality lang ang mag-isang nagtataguyod sa kanila?

“Saksi kami du’n! Pati liblib na mga lugar, pinupuntahan nu’ng male personality para kumita lang siya, nagso-show siya sa mga places na ‘yun, dahil malaki ang gastos nila araw-araw sa bahay.

“Makapag-aaral ba ang mga anak nila kundi dahil sa kasipagan ng poste ng family nila? Nakakalungkot lang na lumaking walang pagpapahalaga sa tatay nila ang mga batang ‘yun!

“Pati nga identity ng isang anak nila ng female personality, e, dumating pa sa point na gusto nilang baguhin na, di ba? Nakakatakot ang ganitong scenario, alam nila ang buong pangyayari, huwag nilang kalimutan na napakaraming magandang nagawa para sa kanila ang taong binabalewala nila ngayon.

“Mabuti pa nga ang ibang tao, may concern sa male personality, pero sila, kung puwede lang na burahin na nila ang pangalan ng taong ‘yun sa buhay nila, e, matagal na siguro nilang ginawa!

“Sabi, hindi raw nakapamimili ng magulang ang mga anak. It’s a tie lang! Ang mga magulang din, hindi puwedeng mamili ng magiging produkto niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Serye ni Alden, ayaw tantanan ng boycott!

Malayo pa ang eleksiyon pero may sarili nang kampanya ang partido ng AlDub Nation. Nagpa-trending sila sa pagboboykot sa bagong serye ni Alden Richards na ang katambal ay si Jasmine Curtis-Smith.

Hindi raw nila tatangkilikin ang palabas, serye raw ng kabilang istas­yon ang kanilang tututukan, nagmamalaki sila na kapag hindi nila susuportahan ang bagong serye ng Pambansang Bae ay malalaglag ‘yun sa rating.

Hindi kami naiinis sa ibang miyembro ng AlDub Nation na sarado pa rin ang utak hanggang ngayon, awang-awa kami sa kanila, dahil 2021 na ngayon pero ang isip nila ay nakapako pa rin sa 2015 nang mabuo ang tambalan nina Alden at Maine Mendoza.

Hindi pa rin sila sumusuko na ang AlDub ang magkakatuluyan, hindi pa rin sila bumibitiw sa paniniwala na nagkaroon ng anak ang kanilang mga idolo, samantalang kahit sanggol na manyika naman ay wala silang mailabas na ebidensiya.

Kunsabagay, nagmimistulang komedyante na lang ngayon ang mga bulag na miyembro ng AlDub Nation, katatawanan na lang sila para sa publiko dahil wala namang positibong nangyayari sa kanilang pagboboykot.

Bilyon pa nga ang kinita ng pelikula ni Alden na hindi si Maine ang kanyang katambal, napakataas ng rating ng mga palabas niya sa GMA-7, kaya may dating pa ba naman ang mga pananakot na pinalulutang nila ngayon?

Para na lang silang sumisigaw sa hangin na wala namang nakakarinig sa kanila. Nakakaawa naman ang mga taong ito na pilit na iginigitgit ang kanilang gusto pero nega naman ang resulta.

Maghanda na ang AlDub Nation sa hindi panonood ng seryeng The World Between Us bukas nang gabi, alas otso ang eksaktong oras, pagkatapos ng 24 Oras.

Habang nakatutok ang buong bayan sa magandang seryeng ito ay sabayan na ‘yun ng paglalaba at pamamalantsa ng AlDub Nation, para maging masaya sila, para magkaroon ng saysay ang kanilang kampanya.

Handang-handa na ang ating mga kababayan para tumutok sa isang kakaibang serye nina Alden at Jasmine. Sa teaser pa lang ay kumakaway na ang kanilang mga eksena para matikman ng publiko ang ganda ng kanilang tambalan.

PERSONALITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with