^

PSN Showbiz

Shalani, tahimik ang­ panalangin sa pagyao ni PNoy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Shalani, tahimik ang­ panalangin sa pagyao ni PNoy
Shalani at Roman

Grabe naman na pati si Shalani Soledad-Romulo ginugulo dahil hindi raw nagbigay-pugay sa pagkamatay ni PNoy.

Siguro naman in her own way nagdasal si Shalani para sa katahimikan ng kaluluwa ni Noynoy Aquino. Hindi naman maganda na makihalo pa publicly si Shalani sa isang bagay na very private. Kahit ang mga Aquino, sure ako na naiintindihan kung sakaling hindi publicly nag-condole sina Shalani habang sina Bernadette Sembrano at Korina Sanchez ay nag-post sa kanilang social media accounts ng kanilang pakikiramay.

Alam ko na nakikiramay si Shalani sa pamilya Aquino sa pagkawala ni Noynoy.

As of now, Shalani who is married to Cong. Roman Romulo meron pa ring communication sa mga dating kaibigan at kakilala.­ Kaya sana naman, huwag nang idamay pa sa intriga.

Shalani is happy, quiet sa kanyang married life, so igalang naman natin kung saan siya nakalagay. Maging happy tayo para sa kanya, at ipagdasal na lang nating lahat ang kaluluwa ni Noynoy. Dapat wala nang issue. Love love na lang.

Andi,reyna ng kasimplehan

Parang ang sarap-sarap ng buhay ni Andi Eigenmann. ‘Yung quiet life niya sa Siargao kasama ng tatlong anak at asawang surfer, parang isang dream na gugustuhin mo talaga. Simpleng-simple, walang ingay, masaya sila sa lahat ng bagay na ginagawa nila.

Hindi si Andi katulad ng ibang mga artista na salita nang salita how they missed the regular grind of life pero hindi naman matalikuran ang glitter ng showbiz. Si Andi for the longest time nandun sa Siargao, ordinaryo ang buhay, nagagawa lahat ng puwedeng gawin ng isang ordinaryong tao. Kumakain at kumikilos nang simple.

Sabi nga niya, halos lahat ng luxu­ry items niya ipinagbili niya dahil hindi niya kailangan, ‘yung signature bags, alahas, designer shoes, lahat iyon ginive up niya. Sinunod niya ang life na gusto niya, ‘yung buhay na para sa kanya na gusto niya.

Imagine na sa gitna ng kanyang career, iniwan niya. At kahit tumatanggap siya ng mga trabaho na gusto niya, pagkatapos balik-Siargao siya. Simple ang buhay kasama ng mga anak. Walang katulong, yaya, alalay. May will power siya to do what she real­ ly wants. A lady of character. A woman worthy of love and respect.

Andi Eigenmann, a big hand of applause. A deep bow of respect. Bongga ka talaga. Hindi matutularan ng mga artistang puro lang dada na gusto ng simpleng buhay pero hindi magawa ang ginawa mo.

 

SHALANI SOLEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with