James at Korina, naalala sa naging conflict nina PNoy at Kris!
Ahh, sangkot pala si James Yap sa isa sa pinagmulan ng diumano’y naging conflict ng magkapatid na sina the late former Pres. Noynoy at Kris Aquino noon.
May nag-refresh na isang ka-chat ko kahapon.
Yup, ayun sa source na malapit sa pumanaw na dating pangulo ng bansa, isa sa diumano’y rason kung bakit ‘di nagkasundo noon ang magkapatid na sabi ni Kris ay napatawad siya bago namayapa ay ang guesting ni James sa show ni Korina Sanchez na Rated K na napapanood pa noon sa ABS-CBN. “Naalala mo ‘yung nag-guest si James sa Rated K ni Korina? That was 2018. ‘Di ba after ng airing noon, naglabas ng galit sa social media si Kris,” umpisa ng source.
At pinadala nga niya ang ipinost ni Kris noon na : “Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes, pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa ‘kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay... I apologize sa Kuya ko (PNoy), humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar – pero klarong klaro sa ‘kin kung bakit ang nanalong pangulo ay si Duterte.”
At ‘yun nga raw ang isa sa pinag-umpisahan ng hindi pagkikibuan ng magkapatid dahil dinamay na si Mar Roxas hanggang ‘di na raw pinapadala ni Kris si Joshua kay Pres. PNoy na lagi raw noon nitong ine-expect.
Hanggang nasundan daw ‘yun ng speech ni Kris sa 36th death anniversary ni Ninoy Aquino sa Manila Memorial kung saan wala noon ang namayapang dating pangulo ng bansa. Bahagi ng speech ni Kris noon : “He is sick. He’s not okay. I’m not at liberty to say what’s wrong with him because its up to him, but kinabahan ako kagabi,” na pinagmulan ng maraming speculations ng sakit ni former president na pumanaw.
“‘Yun ang alam ko ha na pinagmulan nun,” banggit pa ng source.
Anyway, na-mention ni Kris sa funeral last Friday na “nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako. And to the end, ang tinuring niya sa akin ay ako ang kanyang bunso” ng nag-iisang kapatid na lalaki na inihatid sa huling hantungan noong Sabado.
Samantalang si James naman ay tahimik na nagbigay ng huling respeto sa naging brother-in-law na pinasalamatan din sa kanyang post sa pagiging nice nito.
Maging si Korina ay nagbigay ng papuri sa kanyang post sa dating pangulo.
Sinasabi ring naging ex nito ang namaalam na dating pangulo.
- Latest