^

PSN Showbiz

PNoy, nami-miss na agad ng mga kaibigan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
PNoy, nami-miss na agad ng mga kaibigan!
Aquino Family
STAR/ File

Sa mga napanood­ ko na tribute kay PNoy, para bang very fun na tao siya. ‘Yung mga recollection ng mga taong malapit sa kanya, para bang isa siyang simple, magaan kasama, at very thoughtful na kaibigan.

How sad na namatay siya na nag-iisa, walang sariling pamilya, walang naging asawa at anak.

Imagine mo na ma-achieve mo lahat ng dreams mo sa buhay na walang katuwang, walang mga anak na magmamana ng legacy mo. Kaya siguro ganun kalapit si PNoy sa mga pamangkin niya, lalo na kay Joshua dahil sila na ang itinuring niyang mga anak at pamilya.

Siguro nga mahirap para sa nag-iisang lalaki na may apat na kapatid na babae ang makapili ng babae na gusto niyang makasama sa buhay.

Siyempre medyo possesive na ang mga kapatid na babae, at the same time, para sa kanila only the best for their only brother PNoy.

But for sure, iyon siguro ang nakatakda para kay Benigno Aquino III, dahil maaga siyang mawawala, mas maganda na wala siyang maiiwang pamilya kundi ang apat na kapatid na sina Ballsy, Pinky, Viel at Kris.

Maganda ang mga naiwan niyang memory sa mga kaibigan, kasama at mga close sa kanya. Natupad ang wish niya na sana ‘pag nawala siya, ma-miss siya ng marami.

From the way it looks, marami ang mami-miss sa kanyang friendship.

Godspeed, PNoy, have a peaceful journey. Our prayers.

Mga pulis, kailangan ng mahigpit na mental at emotional test

Katakot naman ‘yung balita na may nag-amok sa MPD at may dalawang pulis na namatay. Grabe iyon na pati pulis nagwawala at makapatay ng dalawa niyang kasamahan.

Kung ang mga pulis mismo ang madaling mawala ang pasensiya at nag-iinit ng ganun ang ulo, paano na iyan? Sa panahong ito na parang buong-buo ang suporta ng gobyerno sa mga men in uniform, na ngayon talaga pati budget para sa kanila ay itinaas, sana naman maging talagang sila ang maging matatag na security ng mga civilian.

Nakakatakot na sila mismo ang nawawala sa katinuan at bumibigay sa pressure ng buhay.

Siguro dapat din maging mahigpit sa mental at emotional test ng mga naka-uniporme.

Dapat talaga ‘pag nandiyan na sila para sa civilians, physically, mentally at spiritually ready sila na harapin ang duty nila.

At sana rin aware ang superiors nila kung meron silang dinadalang problema na apektado ang kanilang trabaho. Dapat kasi meron ding proper guidance ang ating men in uniform dahil mga tao rin sila na may mga personal na problema.

Hindi malayo na ang problema nila dala nila sa trabaho kaya nawawala sila sa sarili nila kung minsan.

Scary ito, na dapat maayos agad dahil maraming tao ang affected.

PNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with