^

PSN Showbiz

Angela Alarcon, gaganap na batang ­madrasta

Pilipino Star Ngayon
Angela Alarcon, gaganap na batang ­madrasta

Tunghayan ang natatanging pagganap ni Kapuso actress Angela Alarcon bilang isang batang madrasta sa brand-new episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, June 26.

Lumaki si Leila (Angela) na isang Papa’s girl kaya naman hindi niya matanggap nang makulong ang kanyang ama at makahanap ng bagong asawa ang kanyang ina.

Dahil dito, naging rebelde at maagang nakipagrelasyon si Leila. Nang iwan siya ng kanyang boyfriend, nakilala niya si Dan (Gardo Versoza), isang lalaki na hiwalay sa kanyang asawa at may dalawang anak.

Kahit na malaki ang agwat ng edad, mabilis na nahulog ang loob ni Leila kay Dan. ‘Di kalauna’y nabuntis si Leila at tumira na rin kasama si Dan.

Ang hindi inaasahan ni Leila ay magiging komplikado ang kanyang buhay bilang batang madrasta.

Hanggang saan ang kayang tiisin ni Leila?

Makakasama rin nina Angela at Gardo sa episode sina Prince Clemente, Erin Ocampo, at Jenine Desiderio.

Abangan ang natatanging kuwento na ‘yan sa #MPK ngayong Sabado, 8 p.m., sa GMA 7.

Sa pagpapanatili ng diwa ng bolunterismo

NGO, kinilala ni Angel

Makikilala ng mga manonood ang mga kababayan natin sa likod ng NGO na tumutulong sa mga nangagailangan sa panahon ng pandemya sa pagtampok ni Angel Locsin at ng Iba ‘Yan, ang Art Relief Mobile Kitchen, isang food relief group na nagsimula matapos salantahin ang bansa ng bagyong Yolanda, ngayong Linggo (Hunyo 27) sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Sinimulan ang NGO na ito ng beteranong photojournalist na si Alex Balu­yut at cultural worker na si Precious Leano noong 2013. Matapos nitong magtayo ng soup kitchen sa Villamor Airbase nang dumaan ang nasabing bagyo, nakapagsagawa na ang grupo ng higit sa 60 soup kitchen sa iba’t ibang bahagi ng bansa na tinatamaan ng mga kalamidad, pati na rin sa mga lugar na nasa gitna ng labanan ng mga rebelde at militar.

Isa sa mga volunteers nito ay si Theresa Barrera, isang balo na may pitong anak. Nagpapatakbo ng sariling maliit na canteen si Theresa bago duma­ting ang pandemya, ngunit hindi niya ito naipagpatuloy dahil sa mga lockdown.

Isa si Theresa sa mga natulungan ng Art Relief kaya nang maghanap ang NGO ng volunteers, hindi ito nagdalawang isip para sumali. Ngayon, isa siya sa mga cook ng Art Relief na siya ring nagbibigay sa kanya ng pantustos para sa pamilya.

Shaira at Myrtle, may salpukan sa G of the G

Magtatapatan ang dalawang Kapuso beauties na sina Shaira Diaz at Myrtle Sarrosa kasama ang kanilang parents sa episode ngayong Linggo, June 27, ng all-original comedy game show na Game of the Gens.

Magwagi kaya ang cosplayer/actress na si Myrtle at kanyang Daddy Russ sa pagsagot ng mga trivia laban sa kapwa cosplayer/actress niyang si Shaira at kanyang Mommy Liza?

Isa na nga ba kina Myrtle o Shaira ang hinihintay ng hosts na sina Sef Cadayona at Ruru Madrid na masuwerteng makakasungkit ng grand prize na P300,000?

Mapapanood ang tapatan ngayong Linggo sa Game of the Gens, 8:30 p.m., pagkatapos ng iJuander sa GTV!

ANGELA ALARCON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with