Grocery frontliners at fitness instructors, sumabak sa kantahan
MANILA, Philippines — “Para kang laging nasa comedy bar.”
Ganito ilarawan ng mga miyembro ng Six Part Invention ang kanilang karanasan kasama si Vice Ganda sa programang Everybody, Sing! na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.
Bilang resident band ng first community game show ng Pilipinas, sila ang kasa-kasama ng Unkabogable Star sa pagpapahula ng mga nawawalang lyrics sa Songbayanan tuwing Sabado ng 8 p.m. at Linggo ng 7:30 p.m.
Ayon sa vocalist ng banda na si Kaye Malana, lagi siyang masaya kapag kasama si Vice at marami siyang natutuhan sa Phenomenal Box-Office Star na nakatrabaho rin niya sa It’s Showtime at ibang out of town gigs.
“Bilib ako kay Ate Vice kasi napakatalino. ‘Yung banter niya sa contestants ibang klase. Magaan siya katrabaho,” aniya.
Para naman kay Rey Cantong, ang vocalist at guitarist ng Six Part Invention, gusto niyang katrabaho si Vice dahil sa pinapakita nitong professionalism.
Maituturing na beterano na sa industriya ang Six Part Invention na nasa likod ng mga hit song na The Flame, Umaasa Lang Sa’yo, at Falling In Love. Kitang-kita naman ang husay nila sa programa, na puno ng sorpresa sa bawat round. Sabi pa ni Rey, “mistakes are really not allowed” kaya matindi ang paghahanda nila sa bawat episode.
Labis naman ang pasasalamat nila na sa wakas ay natuloy na rin ang pag-ere ng Everybody, Sing! matapos maantala noong 2020 dahil sa pandemya.
“I cried because I thought impossible na talaga maipalabas because of this pandemic. Pero lagi ko nga sinasabi, God’s timing is always perfect,” sabi ni Kaye.
Dagdag naman ni Rey, “Our prayers are finally answered. Sobrang saya. Minsan kahit ipilit natin if it’s not God’s will, hindi talaga mangyayari. Ngayon we can say that the show is very timely.”
Natatampok ang programa ng iba’t ibang sektor ng komunidad na apektado ng pandemya tulad ng grocery frontliners at fitness instructors na nagsilbing Songbayanan noong Sabado (Hunyo 19) at Linggo (20).
Parehong nakakuha ng P30,000 sa jackpot round ang dalawang grupo, bukod sa kani-kaniyang nakuhang premyo ng mga indibidwal sa mga naunang round.
- Latest