Jayda, hindi naapektuhan sa mga nakawalang pagkakataon!
Maraming mga proyekto ni Jayda Avanzado ang hindi natuloy noong isang taon dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Hindi naman daw nagpaapekto ang dalaga sa nangyari at naniniwalang marami naman itong magiging kapalit. “I’m a firm believer in that things happen for a reason. I will admit that there were some plans that I won’t say were derailed but I guess it slowed down a bit or postponed for the time being. But at the same time, looking at the silver lining that this pandemic has, it’s opened so many doors for me. So many good things have come out of it. I’ve never been more in touch with my Filipino roots as well as a musician, and as an artist. My belief that I always say all the time is kung may mawawala, meron ring darating,” pahayag ni Jayda.
Ang tanging hiling lamang daw ng singer-composer ay ang magustuhan ng mga tagahanga ang bawat kanta na kanyang ginagawa. “Hopefully I can only hope for the best. l’ll do my best and I hope for the best. I think that’s the mindset that I have. I put my heart and soul into all the work that I do. I will always try to make the most out of it. I see myself continuing to evolve and hopefully make a difference on the music industry. That’s all I can hope for and a connection with as many people as possible. That’s super important to me as an artist with my passion as a singer-songwriter. The end goal for me all the time is when I hear people say that they can relate to my songs and they connect to it. I can’t be happier,” paglalahad ng nag-iisang anak nina Jessa Zagaroza at Dingdong Avanzado.
Cris, napahanga kay Maris
Bukas ng gabi ay mapapanood ang ikalawang bahagi ng Father’s day episode sa Maalaala Mo Kaya kung saan nagbida sina Cris Villanueva at Maris Racal. Ginampanan nina Cris at Maris ang mag-ama na nagkahiwalay nang dalawang dekada. “Ang natutunan ko dito, ang pagmamahal hindi lang dahil matagal kayong nagsama or hindi lang dahil kilalang-kilala mo ‘yung tao ay mapuputol ang pagmamahal. Para sa akin basta alam mo kung saan ka nanggaling, ‘yung pagmamahal would somehow be automatic. Walang makakapagpigil ‘pag hinanap mo ‘yung anak mo or tatay or nanay mo. Walang makakapigil talaga sa pagmamahal ng isang pamilya,” nakangiting pahayag ni Cris.
Napahanga ang aktor sa pagiging magaling na artista ni Maris. “Si Maris is very giving. Ang ganda ng pagkakaganap niya the way she was sobrang excited na makasama papa niya. Sobrang tuwang-tuwa siya na nakita niya ‘yung papa niya. Hinihikayat niya na maging family sila kahit dalawa lang sila. Maris did her role na naka-relate talaga ako nang husto, the way she was doing it, at nakatulong nang husto sa pagbigay ko sa character. ‘Yung pagmamahal na nabuo ng mag-ama isa something else,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest