Babaeng personalidad, sinasakop pati ang karapatang pantao ng mga kasambahay!
Sobra ang kaartehan, dinidiktahan pati ang pabango ng mga kasambahay.
May kani-kanyang kalabisan at kakulangan ang lahat ng tao. At hindi naiiba sa mga ordinaryong tao ang mga artista sikat man o hindi.
Kadalasan ay nanggagaling ang mga ganu’ng kuwento sa mga dating driver at alalay ng mga artista. Alam nila ang kahinaan at kaartehan ng kanilang pinagseserbisyuhan.
Kuwento ng aming source, “Naku, napakayaman sa kaartehan ng isang kilalang-kilalang female personality! Hindi ‘yun magkakasya sa isang bagsakan lang!
“At hindi lang siya maarte, marami siyang kahitaran na kung hindi lang matiisin ang mga kasambahay at alalay niya, e, baka umuwi na agad pagkatapos nang ilang araw ng pagseserbisyo sa kanya!
“Lahat ng nagtrabaho sa kanya, e, may kani-kanyang kuwento, magkakaiba ang version, pero ang kauuwian lang, e, ang mga kakuwanan ng babaeng personalidad na ‘yun na may sariling mundo!” unang kuwento ng aming impormante.
Naglilihi ang female personality. Maarte siyang maglihi. Ayaw niyang nakakaamoy ng ibang pabango, nasusuka raw siya, sumasakit ang kanyang ulo.
Patuloy ng aming source, “E, can afford naman siya, mayaman siya, kaya ang ginagawa niya, bumibili siya ng perfume na gusto niya ang scent. Ibinibigay niya ‘yun sa driver niya, sa mga alalay niya, sa mga kasambahay niya.
“Iisa lang ang amoy nilang lahat, kesehodang marami sila. Kasi nga, ‘yun ang amoy na gusto ng female personality. ‘Yun lang, kahit hindi gusto ng mga kasama niya ang amoy ng perfume, kailangang ‘yun ang gamitin nila, dahil ‘yun ang gusto ni madam!
“Nakakaloka siya, di ba naman? Pati ang karapatang-pantao ng mga tauhan niya, e, pinanghihimasukan niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Pero panalo ang mga kasambahay niya dahil nakakalibre sila ng mga sosyaling kagamitan na gustung-gusto ng madam nila. Mamahalin ang mga pabangong gusto niya, gibsung niya ‘yun sa lahat ng nakakasama niya, di ba naman suwerte ang mga nagtatrabaho sa kanya?
“At kapag ayaw na niya ang amoy ng perfume, e, buy na naman siya ng bagong gusto niya ang scent! Panalo na naman ang mga maid-of-cotton at alalay niya!
“Nakaiipon sila ng mga branded perfume nang wala silang kagastus-gastos! Ganu’n siya kaarte, binibili niya ang happiness niya. Kesehodang magastusan siya, basta makuha lang niya ang gusto niya!
“Iba na nga naman ang madatung! Iba na nga naman ang spoiled brat! Kailangang siya ang masunod dahil siya naman ang gumagastos!” tawa pa rin nang tawang pagtatapos ng aming source.
Ubos!
Relasyon nina Jennica at Alwyn pinakikialaman ni Jean?!
Mula sa mahabang panahon ng pananahimik ay unti-unti nang naglalabas ng emosyon si Alwyn Uytingco tungkol sa paghihiwalay nila ni Jennica Garcia.
Nag-post ng mensahe ang aktor para sa ina ng kanyang mga anak. Hindi lang mahusay na artista si Alwyn, magaling din siyang magsulat, tumatawid sa publiko ang mensahe niya para kay Jennica.
Ang ganda-ganda ng kanyang mensahe, alam mong mula ‘yun sa puso, umaasa siyang isang araw ay magiging kakampi rin nila ang panahon para sa kanilang pagbabalikan.
Ayon kay Alwyn ay hindi siya nagmamadali, handa siyang maghintay, dahil marami pa silang pagdadaanan ni Jennica bago matupad ang kanyang hiling.
Hindi raw siya mangingiming tawirin ang tulay kahit ikamatay pa niya dahil alam niya na sa dulo nu’n ay si Jennica at ang dalawa nilang anak ang sasalubong sa kanya.
Kung mahina-hina lang ang loob ni Jennica ay madadala ito sa masuyong mensahe ni Alwyn. Hindi magiging imposible ang kanilang pagbabalikan.
Pero nang mabasa ni Jean Garcia ang mensahe ni Alwyn ay ito ang sumagot, sabi ni Jean sa kanyang post, “It’s time to say goodbye. You can love someone with all your heart, but if they (sic) are not going to be a (sic) good person for you in your life… then it’s time to say goodbye.”
Ano raw? Madaling intindihin ang saloobin ni Jean bilang ina ni Jennica na nagmamahal at nagmamalasakit lang sa kanyang anak at apo. Pero maraming hindi nagkagusto sa panghihimasok ni Jean sa relasyon nina Alwyn at Jennica.
Sabi ng isang nagbigay ng opinyon, “Para namang hindi dumaan sa kabataan si Jean! Mas matindi pa nga d’yan ang mga naging issue niya nu’n! Pabayaan niyang magdesisyon ang anak niya. Bakit, puso ba niya ‘yun?”
Kahit naman harangan ng sibat ni Jean ang kanyang anak ay walang magagawa ang aktres kapag puso na ang pinairal ni Jennica. Hanggang sa paggabay lang naman ang magagawa ng magulang, hanggang sa pagmamalasakit lang, pero ang puso pa rin ng anak ang nasusunod.
- Latest