Jayda, papasa na sa Miss Universe-Philippines
Wow, no minimum height requirement na ang Miss Universe Philippines.
Meaning puwede na ang mga kinapos sa tangkad o minsan ay tinatawag na bansot.
Ito ang kasama sa mga ini-annouce ng MUP ngayong naghahanap sila ng mga kandidata na puwedeng pumalit sa trono ni Rabiya Mateo. Sa June 24 na ang deadline.
Dapat ay 18 years old pero under 28 pagdating ng pageant.
Hindi rin puwede ang ikinasal o nag-asawa na at nanganak.
Kaya pasok na pasok sa requirements si Jayda Avanzado na sinasabing kamukha ni Catriona Gray. At matalino pa.
Ang worry kasi dati ni Jayda ay baka hindi siya pumasa dahil sa kanyang height.
Pero ngayong wala nang minimum height requirement, puwedeng-puwede na siya.
Samantala, handang-handa na si Jayda sa kanyang kauna-unahang digital major concert na magaganap na sa June 26 (Sabado) at mapapanood sa digital sa pamamagitan ng KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV at magkakaroon pa ng re-run sa June 27 (Linggo).
“Malaking karangalan na mabigyan ako ng ganitong oportunidad. I’ve just signed with
@riseartistsph and @starmagicphils. Amidst these adversities, iba talaga ang ABS-CBN, they provide quality entertainment,” sabi niya sa media conference kahapon para sa kanyang Jayda in Concert.
- Latest