Team Kramer, P50k ang natipid sa solar panel!
Magandang alternative rin pala ang magpagawa ng solar panel para sa kuryente sa bahay.
Malaking tulong sa pamilya Kramer ang gamit nila ngayong solar panels para mapababa ang bayarin nila sa kuryente.
Nung wala pang solar panel sa bahay ng mga Kramer (Doug at Cheska Garcia na wife niya), P79,000.00 ang bill nila sa kuryente, huh!
Nang madiskubre ang solar panel, aba, bumaba ang bayarin ng Team Kramer sa P29,000.00, huh!
Naku, buy na tayo ng solar panels, Salve A.!
Yorme Isko, pahulaan ang posisyon sa 2022
nagpaparamdam na tila ang actor-politician now congressman Yul Servo sa isang barangay official sa Sampaloc, Manila.
Eh sa aming lugar ang pinuntahan ni Cong. Yul kaya ang bulung-bulungan eh preparasyon niya ang pag-iikot sa panibagong posisyong tatakbuhan sa Maynila.
Ang balita sa amin, Vice Mayor na ang tatakbuhan niya sa 2020. Sa ngayon, kongresista siya sa Maynila pero hindi sa Sampaloc.
Ang makaka-tandem ni Cong. Servo/Nieto ay ang incumbent Manila VM na si Honey Lacuna na mayor naman ang tatakbuhan.
So ano kaya ang tatakbuhan ni Yorme Isko Moreno ngayong may Lacuna-Servo/Nieto na magkasama? Pahulaan talaga ang posisyong tatakbuhan ni Yorme, huh!
- Latest