Ingat sa relasyon nila ni Raymart Jodi makaka-graduate na
MANILA, Philippines — Maraming pinabilib si Jodi Sta. Maria. Imagine habang ang ibang mga artista nga kasi ay kung anu-ano na lang ang pino-post sa social media, achievement naman ang sa kanya. Naipasa niya ang kanyang thesis sa final defense. “Being grilled for more than 3 hours was no joke… but I must say all the sleepless nights, the sacrifices, the hours spent in front of the computer to source out materials for my paper, were worth it. Marching soon,” sabi niya.
“I wanted to thank everyone who prayed for me and those who sent messages of encouragement. Maraming salamat! Malapit na ang graduation!!,” tweet naman niya two days ago.
At least, inspiring ang sini-share niya ngayong kanya-kanyang ganap ang lahat dahil sa health crisis pa rin.
Consistent ang pananahimik ni Jodi sa status nila ni Raymart Santiago, though sabi nagpapa-low-key talaga sila sa kanilang relasyon ng aktor.
- Latest