Meryll naalala ang naranasan sa anak na panganay
MANILA, Philippines — Inaalala ni Meryll Soriano sa kanyang vlog ang mga pinagdaanan niya sa kanyang unang anak na si Elijah na grade 8 na sa pasukan. Si Bernard Palanca ang ama na kilalang Eli ng kanyang mga kaklase.
Inamin ni Meryll na clinically diagnosed bipolar siya noon kaya may doktor at psychiatrist / psychologist siya.
Hindi rin daw siya noon handang mabuntis dahil kakasimula pa lang ng ‘my sobriety from drug use’ at pakiramdam niya ay magulo ang family niya, ang buhay niya.
Kaya nang manganak siya dumating daw siya sa point na gusto niyang mag-suicide o saktan ang sarili o maging ang anak niya noon dahil sa post-partum depression.
Pero lahat nang ‘yan daw ay hindi niya naranasan sa kanyang second baby kaya thankful siya sa partner niya ngayong si Joem Bascon.
Pero meron pa pala mood stabilizer medicine.
- Latest