^

PSN Showbiz

John Lloyd, noon pa muntik lumipat ng network!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, noon pa muntik lumipat ng network!
John Lloyd
STAR/ File

Nakakalito ang mga balita tungkol kay John Lloyd Cruz.

Noong una, nabalita na sumama na siya sa ma­nagement company ni Maja Salvador. Tapos pumirma naman siya ng kontrata para sa isang special appearance sa television para sa isang shopping site na siya lamang, wala ang mga kinatawan ni Maja.

Ngayon may nabalitang kausap na pala siya ni Annette Gozon-Valdes para sa isang serye na gagawin sa GMA 7, at sinasabi ngang hindi roon natatapos iyon dahil talagang interesado ang network na makuha na si John Lloyd.

Natural naman dahil alam nila ang potentials niya bilang isang actor. Lumabas din ang katotohanan na 20 years ago, may usapan na rin pala sa paglipat dapat ni John Lloyd sa GMA, hindi lang natuloy dahil nagkaroon ng kaunting problema.

Ngayon ang paniwala nila, wala namang magi­ging problema dahil sinabi nga raw mismo ni John Lloyd na wala na siyang sabit saan mang network.

Sino ba talaga ang kukumpas sa takbo ng career ni John Lloyd? Iyon bang management company ni Maja may pakialam pa o wala na? Si John Lloyd na ba mismo ang nakikipag-deal, dahil siguro kaya na naman niya iyan dahil sa haba ng kanyang experience.

Tahimik ang ABS-CBN sa mga nagaganap sa aktor na kanilang pinasikat.

Kasi bago pa naman sila hindi nabigyan ng bagong franchise, nagsabi na sila sa mga tauhan nila na malabo na ang sitwasyon at kung may malili­patan silang iba, walang magiging problema.

Saka may nagsabing bumusina naman si Willie Revillame sa executive ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak kaya malamang wala nang problema.

Obivous na may kinalaman sa mga magi­ging bagong trabaho ni John Lloyd si Willie  na noon ay idinemanda rin ng ABS-CBN nang lumipat sa TV5.

Ang nakikita lang kaming problema sa ipinakikitang excitement ng mga taga-GMA sa posibleng paglipat sa kanila ni John Lloyd, para nilang sinasabing talagang sa ngayon ay wala naman silang maaasahang malakas na leading man talaga.

Kung sabagay, totoo naman iyon. Simula noong mawala sa kanila si Richard Gutierrez, wala na silang naipanlaban talaga.

Paggamit ng dambuhalang buwaya sa serye, hindi madali ang maintenance

Natawag ang aming pansin ng isang serye na gagawin din daw ng GMA, kung saan gagamit sila ng animatronix para makalikha ng isang dambuhalang buwaya.

Hindi na bago iyan sa amin, napag-aralan namin ang animatronix dahil sa dinala rito noon na Dino Island, ng negosyanteng si Jasper Viloria. Malalaking dinosaur iyon na gumalagaw na akala mo buhay talaga. Gumagalaw ang mga mata, may sound din ‘pag bumubukas ang bibig at umuungol sila.

Iyon ay magkahalong technology mula sa China, na siyang gumawa ng mga makina, at Korea na siya namang nagbuo ng hitsura ng dinosaurs.

Matagal na naging attraction iyan sa Star City.

Hindi iyan mahirap na i-operate, ang problema niyan ay maintenance. Oras na sumabit ang isang parte niyan, sira na ang movements.

Napaghandaan kaya nila iyan?

Aktres, nakipaghiwalay sa asawang kabit ng baklang pulitiko

“Hindi ako umiyak, pero sinabi kong mas mabuting maghiwalay muna kami,” sabi ng isang aktres tungkol sa kanyang mister na napatunayan niyang totoong may relasyon sa isang gay politician. “Alam ko ginawa niya iyon dahil sa pera, pero sinabi ko nga na mabubuhay rin kami kahit na hindi kami tumanggap ng anumang pera galing sa kanya, kasi ano man ang sabihin mo prostitution iyon. Masakit din namang masabihan ka na ang asawa mo, call boy o kabit ng bakla,” ang pasabog na kumpisal ng aktres tungkol sa asawa.

JLC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with