^

PSN Showbiz

Kapatid ni Jose, namatay sa ibang bansa!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Kapatid ni Jose, namatay sa ibang bansa!
Jose
STAR/ File

The show must go on para kay Jose Manalo!

Napanood pa rin siya sa taped episodes ng Eat Bulaga kahit na nga nagluluksa.

Ayon sa post ng kanyang kapatid na si Arnel Manalo na isa rin naming kaibigan, pumanaw na ang kanyang kapatid na si Arthur Manalo.

Ang masaklap nga lang sa nangyari sa kapatid, sa ibang bansa ito pumanaw.

Walang social media account si Jose kaya wala siyang post kahit isa sa pagyao ng kapatid.

Kahit namatayan, may lumalabas pang mga ngiti kay Jose habang napapanood sa telebisyon.

Ang aming pakikiramay.?

#Annoyingcouple...

Ang kakaibang style ng halikan naman nila ni Derek Ramsay ang ipinoste ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram.

Wala talagang pakialam sa mundo ang dalawa na laging ibinabalandra ang kanilang calisthenics sa social media, huh!

Karga-karga ni Derek si Ellen habang naglalaplapan, huh!

Pero take note, sa hashtags ni Ellen ay paraan daw ng workout nila ang halikan nila ng boyfie! Wala raw silang magawa kaya ibang style naman ng halikan ang ginawa nila.

Ang surprising ay ang isang hashtag na gamit ni Ellen – #annoyingcouple!

Naku, matatanda na sina Derek at Ellen kaya ibigay na ninyo ang kanilang hilig. After all, pakakasal na rin sila kaya lisensiyado na silang gawin ang anumang gustong gawin basta wala lang pakitaan ng private parts, huh!

Bawal ‘yon dahil kapag ginawa nila ‘yon, malamang suspendihin ang account nila!

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with