^

PSN Showbiz

Aktres na maraming nakakaaway, laging bitbit ang problema sa trabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayon pa lang ay nakabantay na ang mga production staff na makakasama sa trabaho ng isang kilalang female perso­nality na lumundag sa kanilang istasyon.

Sigurado nang may gaga­wing serye sa kanila ang aktres, nakabuslo na ‘yun, pero nakaalerto na ang mga makakatrabaho niya ngayon pa lang.

Kuwento ng aming source, “Maliit lang ang mundo ng showbiz, magkakakilala ang mga nagtatrabaho sa iba-ibang network, ang marami nga sa kanila, e, matagal nang magkakaibigan.

“Magkakaklase pa sa college ang karamihan sa kanila, nagkataon lang na magkaibang network ang pinagtatrabahuhan nila, pero tuloy ang communication nila,” unang hirit ng aming impormante.

At isa nga sa mga naging kuwentuhan ng magkakaibigan ay ang female personality na lumipat na sa ibang network. Hindi na kasi siya ini-renew ng dati niyang istasyon.

Patuloy na sabi ng aming source, “Natural, nakarating na sa kanila ang working attitude ng girl. May mga istorya siya ng pagpapahirap sa staff kapag may personal problem siya.

“Hindi niya iniiwanan sa house niya ang mga problema niya, dala-dala niya ‘yun sa trabaho, kaya may mood swings siya. Mahirap siyang katrabaho.

“Dumarating siya sa point na may inaaway siyang staff, pati nga ang mga co-stars niya, nakakaengkuwentro niya, kalat na kalat na ang kuwentong ‘yun tungkol sa female personality!

“Marami namang artistang ganu’n, sanay na ang production staff, pero mas magandang alam na rin nila ang mga kalokahan ng bago nilang artista. Kailangang paghandaan na talaga nila ‘yun!” madiing sabi pa ng aming impormante.

Magulo ang lovelife ng female personality, sobrang naging kontrobersiyal ang pagsasama nila ng kanyang mister, nadamay sa problema nila ang kanyang trabaho.

“Natural, problemado siya sa pamilya niya, kaya may mga pagkakataong nakakalimutan niya na dapat, e, hindi niya ‘yun binibitbit sa work niya!

“Mas magandang alam niya kung saan siya lulugar, di ba? Kapag trabaho, itapon niya muna ang mga personal problems niya! Kapag nasa bahay na siya, go!

“Paano sisikatan ng araw ang career niya kapag ganu’n ang palagi niyang gagawin? Bakit naman ang isang kapangalan niyang female personality na naging magulo rin ang lovelife, maayos kung magtrabaho?” tanong-opinyon ng aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Derek at Ellen, inurong ang kasal

Kaligtasan ng kanyang pamilya ang prayoridad ngayon ni Derek Ramsay. At kapag pamilya ang sinasabi niya ay kasali na siyempre sa kanyang inaaalala sina Ellen Adarna at Elias Modesto.

May edad na ang kanyang mga magulang, sila ang pinakaprayoridad ngayon ng hunk actor, lahat ng paraan ay ginagawa niya para masigurado ang kalusugan ng mga ito.

Sabi pa ni Derek, “Sabihin nang OA ang ginagawa kong pag-aalaga sa parents ko, pero talagang tutok na tutok ako sa kanila. Bawal lumabas, hindi sila puwedeng magbiyahe, stay home lang muna sila dahil mahirap na.

“Nag-iingat nga sila, pero meron namang mga taong walang pakialam sa health protocols, wala ring mangyayari,” sabi ni Derek.

‘Yun din ang dahilan kung bakit ayaw niya na munang magtrabaho ngayon. May mga alok na proyekto sa kanya ang GMA-7 pero tumatanggi siya.

Marami kasing kuwento ng hawahan kahit naka-lock-in pa ang mga artista at production staff, ayaw niyang maranasan ang ganu’n, kaya ingat na ingat siya.

Iuurong muna nila ni Ellen ang kanilang pagpapakasal, buwan lang naman ang pagkaurong, hindi aabutin ng taon. Gusto muna nilang rumehistro ang mas mababang numero ng nagkakaroon ng virus sa ating bayan para mas makasigurado sila.

Balitang-balita na ang sitcom na pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres. Parang rigodon ang magaganap. Ex niya si Andrea at ama naman ni Elias si JLC.

Siguradong paglalaruan ang mga nakaraan nilang relasyon kapag nagkataon. Hindi puwedeng maiwasan ‘yun lalo na’t mainit pa ring pinag-uusapan ang kontro­bersiyal nilang hiwalayan ni Andrea Torres.

Pero marespeto si Derek sa mga ganu’ng desisyon, alam niya ang mundong pinasok niya, walang maaasahang negatibong komento mula sa kanya tungkol sa balita.

Isa lang ang konsentrasyon niya nga­yon. Ang kaligtasan ng kanyang pamilya at ang nalalapit nilang pagpapakasal ni Ellen Adarna.

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with