Yam jackpot sa dyowa pero ayaw makipag-live in
Sa New York nag-celebrate ang Kapamilya actress, sa piling ng boyfriend niyang si Miguel CuUnjieng. “You, me, tiny and the sea! I mean, what else could I ask for? Miguel CuUnjieng it’s only the beginning… thank you my love.”
Suwerte sa lovelife si Yam. Si Miguel ay kilalang sustainability consultant ng mga international financial player sa Amerika tulad ng Citibank and JP Morgan. Graduate ng Philosophy in Environmental Studies at Santa Clara University, may Master of Business Administration din ito sa Georgetown University in Washington, DC.
At higit sa lahat, isa ito sa tatlong anak ng top investment banker at chairman ng Evercore Asia Limited na si Mr. Stephen CuUnjieng.
Nauna nang sinabi ni Yam sa interview na ready na siya to settle down. Nabanggit din niya sa nasabing interview na ayaw niya sa live in. “Gusto ko, get married first, and then we will stay in one house. Nandun ‘yung excitement. Di ba, ganoon naman talaga ang tamang pamamaraan? Sa totoo lang, ‘yung pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang, conservative pa rin ako,” pahayag ni Yam na kilalang close sa kanyang mommy kaya aniya, sumusunod pa rin siya sa rules ng ina.
Good for you, Yam. At least, hindi siya tulad ng ibang actress na parang all out sa kanilang karelasyon.
- Latest