Marian babalik na sa trabaho?!
Nangangamoy na ang pagbabalik sa telebisyon ni Marian Rivera ngayong mapapanood na simula bukas, Lunes, Hunyo 7, ang ginawa nilang Kapuso series na Endless Love.
Hindi kami sure kung sa Philippine adaptation ng Koreanovela na ito nagsimula ang kanilang love story ni Dingdong Dantes.
Pero sa local version ng telenovela na Marimar pumutok ang kanilang loveteam. Sa series ding ito sumikat nang todo-todo si Yan!
And the rest is history kumbaga sa Dingdong at Marian loveteam na nauwi sa altar!
Siyempre, ang Dong-Yan fans ang tuwang-tuwa na mapanood ang kanilang mga idolo in their early days.
Ngayon nga ay mag-asawa na sila at may dalawang anak, sina Zia at Ziggy.
Eh dahil sa pandemic na dala ng COVID-19, mas minabuti ni Yan na maging plain housewife, mother at businesswoman.
First and foremost kasi ang pangarap niya ay magkaroon ng pamilya.
Nakatulong pa ang pandemic upang lubos niyang maalagaan ang mga anak at si Dong.
Pero sa totoo lang, konti lang ang pagbabago ngayon kay Marian kumpara noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
She is destined to be a superstar mula pa noong simula hanggang ngayon.
Siyempre naman, once the pandemic is over, babalikan pa rin ni Marian ang showbiz na siyang una niyang minahal at nagbago ng kanyang buhay.
Kulang ang showbiz kapag wala ang isang Marian Riivera, huh!
- Latest