^

PSN Showbiz

AiAi at Kris, inggit sa ex-wife ni Song Joong-ki

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
AiAi at Kris, inggit sa ex-wife ni Song Joong-ki
Song Joong-ki
STAR/ File

Inggit si AiAi delas Alas sa autograph photo ni Song Joong-ki na ipinadala sa akin ni Joyce Ramirez. Kasi nga hindi pa nakukuha ni Joyce ‘yung video greeting ni Song Joong-ki sa akin, pagpunta niya pa sa Korea.

Pero sabi ko nga, ayaw ko ng Lolita ang itatawag sa akin ni Joong-ki, gusto ko Mother Lolita o Granny Lolit noh. Dapat alam ni Joong-ki na 74 na ako noh, baka mamaya dahil tawag niya sa akin Lolita, mag-ilusyon pa ako, hah hah.

Isa pa sa fans ni Joong-ki si Kris Aquino dahil hanga siya nang mag-divorce sina Joong-ki at Song Hye-kyo na hindi ito nakihati sa datung ng babae. Walang kahit singko na hiningi o napunta sa bulsa ni Joong-ki.

Very gentleman daw ito sabi ni Kris. Bongga, dahil nga siguro marami ring datung si Joong-ki dahil popular star din ito.

Kalokah nga na halos more than a year silang kasal ng childhood crush niyang si Song Hye-kyo, at grabe pa naman ang chemistry nila sa Descendants of the Sun na talagang lahat kilig to the bones.

Iba talaga ‘pag together na kayo kaysa sa GF/BF lang. Mas matagal pa yata sila naging boyfriend/girlfriend kaysa Mr. and Mrs.

Hay naku, kung kayo si Song Joong-ki, sino ang pipiliin n’yo, si AiAi o si Kris? Sa palagay n’yo, sino ang magtatagumpay sa dalawa? At sino ang uuwi na luhaan? Hah hah.

Mga namimili ng bakuna, nagiging cause of delay!

Hanggang ngayon talaga parang hindi ko maintindihan ‘yung issue ng bakuna. Nandiyan ‘yung balita na merong 2M na malapit nang ma-expire samantalang ang dami pang nagsasabi na gusto nilang bakuna pero wala namang nagbabakuna sa lugar nila.

Bakit ba kung ayaw ng iba, at merong namimili ng brand, lagpasan ‘yung kategorya at tumalon na. Halimbawa, ang tagal na ng announcement para sa A1 pero walang dumarating, di ‘yung A2 bigyan. Kung wala pa rin, di bigyan na ang A3. At kung ayaw pa rin ng A3, eh ‘di A4. Dahil sa hintayan, hayan, nabibitin ang ibang kategorya.

So kung binigyan ng bakuna si Alice Dixson, Frankie Pangilinan, at iba pang artista, baka available sila that time na nagtawag ng mga magpapabakuna. Buti nga at least nababawasan ‘yung babakunahan.

Ang mali kasi, parang ang tagal nang para sa A1 at A2 hinihintay pa rin, bakit hindi pa umpisahan ang ibang category, lalo na ‘yung sabik nang magpabakuna.

Tuluy-tuloy ang bigay ng bakuna sa lahat ng lugar, talagang gusto na ng gobyernong mabigyan ng bakuna ang lahat, libre ang bakuna, ang daming volunteer doctors and nurses, ang babait ng staff, kung ayaw pa rin ng iba ang libre na ibinibigay ng gobyerno at gusto nila ng ibang brand, sige maghintay kayo. ‘Pag wala ‘yang brand na iyan, sige bumili kayo ‘pag legal nang ibebenta ng pharmacy, o sige, punta kayo sa abroad para doon magpaturok. Okey lang lahat, basta dapat, mabakunahan tayong lahat.

Huwag sayangin, heto at ginagawa ng mayors at health department lahat para maging ligtas tayo, kaya sige na, ipamigay na ‘yang bakuna.

AIAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with