^

PSN Showbiz

Female personality mala-shopping center ang bahay noong malakas pa ang business na walang tax!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Businesswoman ang tawag ng mga taga-showbiz sa isang kilalang female perso­nality na magaling gumawa ng sideline bukod sa kanyang pag-aartista. Negosyante ang babaeng personalidad.

Pero hindi rehistrado ang kanyang negosyo, fly by night ang tawag sa ganu’n, dahil wala siyang binabayarang tax sa gobyerno. Sarili lang niya ang kinikita ng kilalang female personality.

Kuwento ng aming source, “Grabe ang pagiging businesswoman ng girl, kumikita siya at tumutubo nang walang kahirap-hirap! Wala siyang puhunan sa negosyo niya kundi ang sarili lang niya!

“Napakarami niyang clients. May pulitiko, may general, may D.O.M., may mga artista, name it, kumpleto siya!” bungad na kuwento ng aming impormante.

Walang takot makipagrelasyon ang babaeng personalidad na ito, sabay-sabay lang ang peg niya, wala siyang pakialam kung magkabukingan man ang mga kachurvahan niya!

Sabi uli ng aming source, “Natural, dahil kayang-kaya niyang laruin sa mga palad niya ang mga clients niya, e, sangkatutak na regalo ang tinatanggap niya!

“At puro branded ‘yun, walang local, dahil siya ang umo-order sa Boogie Wonderland niya! Napakarami niyang branded shoes, bags, alahas, relo, name it again, siguradong meron siya!

“So, ano ang gagawin niya sa sangdamukal niyang branded stuff? Negosyo! Ibinebenta niya ‘yun sa mga co-stars at kaibigan niya, ginagawa niyang kadatungan! Kumikita siya nang milyun-milyon nang walang kahit singkong duling na puhunan, laban kayo sa kanya?

“Grabe ang utak ng babaeng ‘yun, nagagamit niya nang wala siyang kapagud-pagod, wala rin siyang binabayarang tax, ang katawan at face lang niya ang dahilan nu’n!

“Parang shopping center nga ang bahay niya sa dami ng mga branded stuff niya, kung magpabili siya sa mga biyahero, e, akala mo may pabrika siya ng pera!

“Pero hindi siya ang nagbabayad, ang mga clients niya, iba-ibang check ang tinatanggap ng mga traders mula sa kanya! Pero lumilipas ang ganda, bumabagsak ang katawan, hindi na siya puwedeng magnegosyo ngayon nang walang puhunan!” todong-todo nang pagbibigay ng clue ng aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

First Yaya, hinihiritan ng extension

Ilang tulog at gising na lang ay matutuldukan na ang kuwento ng First Yaya. Nag-last lock-in taping na ang produksiyon na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Sumisigaw ng extension ng serye ang ating mga kababayan, huwag naman daw sanang tapusin agad ng GMA 7 ang kanilang kilig gabi-gabi, dahil sa pagmamahalan ng presidente at ng yaya.

Pero mas markado nang magpaalam ang First Yaya sa himpapawid nang nasa itaas sila. Matindi ang ibinigay na suporta sa kanila ng manonood. Hindi bumababa ang rating ng serye at patuloy pa nga sa pagtaas.

Bagong putahe kasi ang First Yaya na ihinain tuwing hapunan ng network. Panlasang hindi pinagsasawaan, pagkain ng mga mata na hinahanap-hanap dahil bago ang kuwento.

 

Natawa naman kami sa naging komento ng aming anak-anakang si SOS nang minsan nitong masilip ang seryeng Huwag Kang Mangamba.

Hindi nito regular na napapanood ang serye dahil gabing-gabi nang umuuwi mula sa trabaho si SOS. Kung bakit naman nu’ng mismong gabing ‘yun ay natiyempo pa ang eksenang nagpakita si Bro kina Joy at Mira na ginagampanan nina Francine Garcia at Andrea Brillantes.

Reaksiyon ni SOS, “Pinanonood po ng sister namin ang Huwag Kang Ma­ngamba kaya napanood din namin. Nalokah lang po kami kung bakit ang boses ni Jesus Christ, e, ang boses din ni Big Brother sa PBB?

“Wala na po ba silang makuhang ibang voice talent o nagtitipid ang production, kaya ang boses na lang ni Big Brother ang ginamit nila sa serye?

“Napaka-awkward lang kasi na ang boses din ni Big Brother ang boses ni Jesus Christ! Ano po ito, PBB tele­serye edition?” tawa nang tawang komento ni SOS.

Wala na talagang maitatago ngayong mga panahong ito, lahat ay markado na sa utak ng ating mga kababayan, tulad din ni Julia Barretto na binibira sa social media ngayon dahil sa isyu ng hindi nito pagkain ng isaw.

Sa vlog ni Gerald Anderson ay parang hindi malunok-lunok ng dalaga ang isaw, pero may nagtiyagang maghanap ng video, matagal na palang sarap na sarap si Julia sa isaw na kinakain-kain nito sa van kasama si Ronnie Alonte.

Lumang video rin ang dahilan ng pambubuking sa pamimintas ni Maine Mendoza sa maraming personalidad nu’ng hindi pa ito nag-aartista.

Keep safe, palag nating payo sa ating mga mahal sa buhay, dahil sa COVID-19. Pero napakatotoo, wala nang ligtas ngayon sa kapanyarihan ng teknolohiya, walang patawad!

vuukle comment

BUSINESSWOMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with