^

PSN Showbiz

DOH: 'Self swab' na COVID-19 test 'di puwede, maging sino ka man

James Relativo - Philstar.com
DOH: 'Self swab' na COVID-19 test 'di puwede, maging sino ka man
Kuha nina Health Secretary Francisco Duque III (kaliwa) at aktor na si Robin Padilla (kanan)
STAR/KJ Rosales, File; Mula sa Facebook post ni Robin Padilla

MANILA, Philippines —  Init ng ulo ang inabot ng pamunuan ng Department of Health (DOH) matapos i-test ng aktor na si Robin Padilla ang sarili para sa coronavirus disease (COVID-19), bagay na dapat isinasagawa ng mga healthcare workers.

Sa video na ito, makikitang sinusundot-sundot ni Robin ang sariling ilong para pag-asang malalaman kung meron siyang COVID-19, kahit na wala pang "home testing kits" sa Pilipinas.

"Meron tayong mga panuntunan o pamantayan para gawin 'yan. Hindi pwedeng sarili niyong gagawin 'yan dahil unang-una, 'yung resulta magiging kwestyonable," sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, Huwebes.

"Dahil kung hindi naman ito naaayon sa mga tamang pamantayan, eh kaduda-duda ang mga resulta. So hindi natin dapat ginagawa 'yon."

Sa kanyang May 23 Facebook post, sinabi ni Robin na nag-"self swab" sila dahil kailangan na nilang magsimula ng trabaho ngunit wala pa rin ang nurse na gagawa ng COVID-19 test.

Pero hindi raw porke walang nurse eh hindi na sila pwedeng kumilos. Ikinabahala tuloy ng maraming netizens ang pinaggagagawa ng kontrobersiyal na aktor na hindi naman medical practitioner.

"Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang COVID test, basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, at kapag naluha kana tsaka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo yun na raw yun," sabi ni "Bad Boy" ng pelikulang Pilipino.

Umabot na sa 1,193,976 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling report ng DOH. Sa bilang na 'yan, tigok na ang 20,169.

Self-testing sa ibang bansa

Hindi gaya ng Pilipinas, pinapayagan ang COVID-19 tests sa sarili sa mga ibang bansa, na siyang pwedeng gawin sa bahay o kahit saan.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), dapat gumamit ng "self-collection kit," "self-test," "home test" o "at-home test" kung walang healthcare provider sa kinaroroonan. Wala pang aprubadong ganyan sa ang DOH para sa local usage.

May sinusunod na directions para sa nasabing test. Oras na magpositibo gamit ito, dapat mag-isolate ng isang tao at sabihan ang lahat ng kanilang close contacts.

"These self-collection kits and tests are available either by prescription or over the counter, without a prescription, in a pharmacy or retail store. Currently available self-collection kits and tests are used for the detection of current infection," ayon sa CDC.

FRANCISCO DUQUE III

NOVEL CORONAVIRUS

ROBIN PADILLA

SWAB TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with