^

PSN Showbiz

Sanya, sinosolo na ang bayad sa bahay!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang ayos ng setup ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez na magkasama sa isang bahay na hinuhulugan nila. Kuwento sa amin ni Jak sa nakaraang virtual mediacon nila ni Barbie Forteza para sa guesting nila sa Heartful Café, in-assume na raw ni Sanya ang bahay nila at solo na siyang naghuhulog. Hindi na naki-share si Jak dahil meron na ring  kinuhang bahay na hinuhulugan ang Kapuso actor. Ewan ko lang kung para na sa kanila iyon ni Barbie.

Dahil mas kumikita naman ngayon si Sanya dala ng success ng First Yaya, siya na raw ang nagpatuloy sa hulog sa bahay dahil na kay Sanya na raw ito. “Siya na ang naghuhulog nito. Dati naghahati pa kami sa upa ng bahay. Eto kasi sinolo na niya ang bahay, sa kanya na ‘to eh. Sa akin ‘yung ibang expenses, ang grocery, kuryente, tubig, bills,” pakli ni Jak.

Matagal-tagal ding walang trabaho si Jak at ang huli niyang nagawa ay itong guesting nila ni Barbie sa Heartful Café at napapanood pa sila ngayong linggo.

Pero okay naman daw ang financial status niya, at meron na rin naman siyang pinaghahandaang bagong drama series na gagawin. “Mabuti at may pumasok na endorsement na kahit wala pang project, meron tayong nadudukot ‘ika nga. Meron tayong na-save kahit papano,” nakangiti niyang pahayag.

Si Sanya naman ay natapos na ang taping ng First Yaya noong nakaraang Lunes. Hanggang ending na ang kinunan at tama na raw ang isang season ng sikat na drama series na ito ng GMA 7.

Ganun na raw kasi ang ginagawa nila, tinatapos na ang buong serye sa isang lock-in taping para mas safe. Mahirap daw kasing magpatagal ng isang drama series ngayong pandemya.

Na-treasure nang husto ni Sanya ang magandang samahan nila sa First Yaya. Ikinatuwa ng netizens ang post nilang mga girl na naka-swimsuit sa swimming pool ng hotel na tinutuluyan nila. “Para po kaming family na sa set eh. Lahat kami super close. Parang ayaw na namin maghiwa-hiwalay. Lalo na si Ate Kakai (Bautista) na tiyang namin at leader namin. Kaya pagkatapos nitong lock-in taping namin, we make it a point na video call kami lagi,” pahayag ni Sanya.

Pokwang, hindi updated sa bakuna?!

Nag-emote si Pokwang sa kanyang Twitter kamakailan lang dahil sa wala pa rin daw silang bakuna sa Antipolo.

Sana bago siya nag-post, tiningnan muna niya kung saang category siya dahil mas priority ngayon ang nasa A1 (medical frontliners, AQ2 (senior citizens) at A3 (adults na may sakit o comorbidities).

Regular na nag-a-update ang tanggapan ni Mayor Andeng Ynares sa COVID response, lalo na ang vaccination.

Naipaliwanag namang kung matagal ang pagdating ng text para sa confirmation ng bakuna n’yo, maaaring natagalan din ang delivery ng bakuna mula sa DOH o baka naman hindi pa sila classified sa A1, A2 at A3.

Kaya gustong iparating ng LGU ng Antipolo na kung hindi pa nakapag-register, mas mabuting alamin na kung ano ang steps para makapagrehistro sa bakuna.

Mag-create lang po kayo ng account sa bit.ly/antipolobantaycovid19.

Mag-log in at i-click ang vaccine registration button.

Hintayin (depende sa availability ng bakuna) ang text message mula sa kanilang Vaccine Operations Center na naglalaman ng inyong vaccination schedule at ilang paalala.

Puwede rin po kayong makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com /AntipoloVaccineOpCen.

SANYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with