^

PSN Showbiz

Judy Ann, tinalakay ang pagiging ina at artista sa gitna ng quarantine

Gerald Dizon - Pilipino Star Ngayon
Judy Ann, tinalakay ang pagiging ina at artista sa gitna ng quarantine
Ang MAGGI Kusinaserye—ang kauna-unahang digital anthology sa Pilipinas—ay pinangunahan ng walang iba kundi ang batikang aktres na si Judy Ann Santos.
Photo Release

MANILA, Philippines — Inilunsad kamakailan ng MAGGI ang kanilang Kusinaserye—ang kauna-unahang digital anthology sa Pilipinas—na pinangunahan ng walang iba kundi ang batikang aktres na si Judy Ann Santos.

Sa naganap na exclusive VIP premiere hosted by Boy Abunda noong May 3, naikwento ni Juday kung paano napagtatagumpayan ang mga pangamba ngayong pandemic.

“Itong pinagdadaanan nating pandemya, na-force ka ring matuto ng maraming bagay. Saka ko na-realize na kaya ko pa palang i-push itong sarili ko. But at some point I got really—hindi naman depressed—pero parang the quarantine was getting to m,e” pahayag niya.

“But then you put yourself back together and be grateful for the life and the ability to help people and the ability to entertain people. With MAGGI’s Kusinaserye, nakaka-inspire umarte at ipakita sa mga tao na we’re all in this together. All in all, I am happy and content and beyond grateful. More than anything, the pandemic has taught us to appreciate everything we have,” sabi ni Judy Ann.

Naikwento rin ng aktres kung paano niya pina-prioritize ang pagiging ina sa pagiging artista.

“Even if wala pang pandemic, I would put into my schedule—with my team—I can work 3-4 days straight, and give me 2 days off. Pero pag may activities ang mga bata and I have to be there, I have to cancel work, kasi priority sila. I don’t want my children to feel I was never there for their milestones.”

Digital Kusinaserye

Ang MAGGI Kusinaserye ay isang digital anthology series na binubuo ng tatlong short films na sumasalamin sa iba’t ibang imahe ng pagiging ina sa kasalukuyang panahon at ng mga usaping pumapaloob sa bawat isa.

Maliban pa rito, ang bawat short film ay tumatalakay din sa iba’t-ibang paksa gaya ng family values, resilience sa panahon ng pandemya, at pagtanggap sa makabagong paraan ng pagluluto.

1. Family tension sa “Komander 'Nay”

Judy Ann, tinalakay ang pagiging ina at artista sa gitna ng quarantine
Sa “Komander 'Nay,” si Juday ay sundalong ina na umuwi sa kanyang pamilya matapos ma-furlough kasunod ng injury habang nasa serbisyo.
MAGGI YouTube/Screencap

Ang unang maikling pelikula sa serye na pinamagatang “Komander ‘Nay” sa direksyon ni Pepe Diokno. Ito ay patungkol sa sundalong ina na umuwi sa kanyang pamilya matapos ma-furlough kasunod ng injury habang nasa serbisyo.

Doon ay makakaharap niya ang mga anak na teenagers at tutukuyin kung paano makipag-ugnay sa kanila bilang ina at hindi sundalong on-duty.

"I saw myself a bit in this character—having to listen and undertand your kids. Na may bago silang alam na hindi pwedeng i-dismiss. May modern na nangyayari sa buhay nila ngayon, so just be involved. Open communication lines with your children," ani Juday.

Mapapanood na sa MAGGI Philippines YouTube Channel ang pelikula. Click here para matunghayan.

2. Resilience at pamamaraan sa “PAG-Asarap”

Judy Ann, tinalakay ang pagiging ina at artista sa gitna ng quarantine
Sa "PAG-Asarap," tunghayan ang kwento ng kwento ng mag-asawang Betchay at Albert na napilitang isara ang kanilang maliit na negosyo dahil sa community quarantine.
MAGGI YouTube/Screenscap

Ang pangalawang short film ay kwento ng mag-asawang Betchay at Albert na napilitang isara ang kanilang maliit na negosyo dahil sa community quarantine.

Pero dahil sa kanilang pagkakawanggawa at patuloy na pagpupursige at napagtagumpayan nila ang kanilang kalbaryo at sa huli’y naipagpatuloy pa nila ang kanilang school cafeteria business. Ang featurette na ito sa direksyon din ni Pepe Diokno.

“The story for this one talks to all of us, kasi at some point lahat tayo napagdaanan yan. Yung ‘Saan pa ba?’, ‘Papaano pa ba?’, kung saan kukuha ng income at kung sa paanong paraan. Kaya totoo yun e, na ang magic ingredient ay pag-asa, kung iyon ang nawala, doon magsisimulang magsara ang mundo mo,” pahayag ni Juday.

Panoorin ang makabagbag-damdaming kwento ng “PAG-Asarap” sa MAGGI Philippines YouTube Channel. Click here.

3. Accepting modern ways sa “NAKAKATAcooks”

Judy Ann, tinalakay ang pagiging ina at artista sa gitna ng quarantine
Panoorin ang kwentong talaga namang “NAKAKATAcooks” kung saan may salungatan ng luma at bagong tradisyon sa pagluluto.
MAGGI YouTube/Screencap

Ang huling episode naman sa Kusinaserye na dinirek ni Randolph Longjas ay tungkol naman sa salungatan ng luma at bagong tradisyon. Si Baby, ang millennial na next-in-line sa angkan nang magagaling na kusinera ang siyang kumakatawan sa bago. Ang kanyang mga mapanghusgang mga tita naman ang siyang nagmumulto kay Baby para igiit ang dating gawi sa pagluluto.

Sa huli ay nakahanap ng paraan si Baby upang matanggap ng kanyang mga tita ang kanyang natutuhang mga bagong teknik at impluwensiya pagdating sa family pagluluto.

“Eto yung nakakatuwa at nakakaaliw panoorin because we as Filipinos, we live with stories di ba—mga lola natin, minana ang recipe ng ganito-ganyan—so it’s super close to home kasi my grandmothers are great cooks, my mom was a great cook. So nung ine-explain na sa akin, na-excite akong gawin siya kasi iba siya,” ayon kay Juday.

Click here para panoorin ang kwentong talaga namang “NAKAKATAcooks”!

Kasama ang MAGGI, hangad ni Judy Ann na ma-inspire ang mga pamilyang Pilipino na pagtibayin ang samahan sa kusina, sa pamamagitan ng pagluluto at pagkain.

 

Kaya subukan ang mga recipe na tampok sa bawat pelikula. Maaari niyo itong tingnan sa Maggi website sa https://www.maggi.ph/.

MAGGI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->