^

PSN Showbiz

Miss U, mas tinututukan kesa sa matinding problema ng bayan

Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Tila droga sa kaisipan ang beauty contest na iyan, na siyang pinag-uusapan nang husto samantalang napakaraming matitinding issue sa Pilipinas na mas dapat unahin.

Nitong mga nakaraang araw ang pinag-uusapan ay ang pagpalpak sa national costume ni Rabiya Mateo, samantalang ang mala­king issue ay marami na ngang nagugutom na Pilipino na nawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown.

Pinagtatalunan nila kung tama nga ba o mali ang national costume ni Rabiya na hindi nga mukhang kasuotan talaga kundi costume na ginagamit sa gay beauty contests.

Pero talagang mahilig ang mga Pilipino sa beauty contest. Nakabantay sila sa internet para sa popular voting, na hindi naman siguro ginagawa ng iba.

Wala namang epekto iyon sa resulta ng Miss Universe na malalaman natin ngayong araw kung may maiuuwi nga bang korona si Rabiya o nganga lang.

Geneva, nagtaray nang tawaging pangit

Hindi na napigilan ni Geneva Cruz ang magtaray nang may magsabing sa mga magpipinsan daw na Cruz, siya ang pinakapangit. May parinig pa ang basher, mabuti pa raw si Donna, maganda na matino pa.

Simple lang naman ang isinagot ni Geneva, una walang pangit sa pamilya nila. Sinabi rin niyang ang paniwala niya ay wala talagang pangit kundi ang ugali ng bashers na wala nang ginawa kundi manira ng kapwa.

Natanong nga ni Geneva, “maganda ka ba”?  Kung iisipin mo talaga ang bashers naman ay hindi dapat patulan.  Makikita mo naman kung papaanong magkagulo ang fans kay Geneva lalo na sa malls noon at basta kumanta na iyan nakanganga na lang ang mga lalaki dahil maganda kasing bata talaga iyan.

Darna, 71 years old na

Nagulat kami kahapon sa post ni Roli Ravelo, ang anak ng komiks legend na si Mars Ravelo. Isipin ninyo 71 years na pala si Darna?

Tama nga dahil si Darna ay unang lumabas sa Pilipino Komiks noong May 13, 1950. Ang Darna sa simula’t simula ay kuwento ni Mars Ravelo, at ang gumagawa ng illustrations ay si Nestor Redondo. Pero bago iyan, nagkaroon na ng nobela si Mars Ravelo sa Bulakak Magazine ang title ay Varga na isa ring super hero.

Ang pangalan ni Varga kung siya ay karaniwang tao ay Narda, kaya noong muli niyang sulatin ang kuwento ginawa na niyang Darna, na kabaliktaran ng Narda. Una namang ginawang pelikula ang Darna ng Royal Productions ni Fernando Poe Sr., noong 1951 na ang bida ay si Rosa Del Rosario. Iyon din ang huling pelikulang naidirek ni Fernando Poe Sr. bago siya namatay noong October 23 1951, na sinasabing dahil umano sa kagat ng aso.

Ang aktres na pinakamaraming nagawang Darna movies na lahat ay naging hits ay si Congresswoman Vilma Santos. 

RABIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with