Helen, ‘di nalilimutan ang mga kaibigan sa showbiz
Sobra naman akong touched nang tumawag ang secretary ni Helen Gamboa-Sotto at sabihin na kung puwedeng magpa-check up ako at kahit sagutin niya ang expenses.
Nakakatuwa naman na may mga tao na concerned sa health condition ng friends nila sa panahong ito. Si Helen Gamboa-Sotto, kahit pa nga semi-retired na sa acting dahil na rin sa siyempre asawa ng isang senador na ngayon ay Senate President pa, sobra ring hectic ng schedule.
‘Pag medyo may time siya at hinahanap ng katawan ang acting, saka lang niya tinatanggap ang mga alok sa kanya na serye o pelikula.
Ever since, talagang mas nasa pamilya ang atensiyon niya, mas sa pag-aalaga ng mga anak, at ngayon sa kanyang mga apo. Pero never niya talagang iniwan ang mga kaibigang nasa showbiz, lalo na ang writers na naging malapit sa kanya. Kaya ‘yung senior writers talagang ganun na lang ang closeness sa kanya ng mga ito dahil ipinadama niya na kahit kelan, hindi siya nagbago.
Salamat, Helen Sotto, very grateful. Thanks.
Marian, walang tigil sa kakanegosyo
Papasukin na pala ni Marian Rivera ang clothing business,Salve. Sabagay, kilala namang avant garde at fashionable ang taste ni Marian kaya hindi kataka-taka na maging part siya ng fashion world.
Maganda ang resulta ng kanyang furniture business, kilala na ang Flora Vida niya na dried flowers, ngayon naman, sa clothing line niya gustong mag-venture.
Bongga ang Marian, kahit nasa bahay lang at nag-aalaga ng mga anak, kayang-kaya niya na i-manage mga business niya. At kaya rin niya na bigyan ng oras ang iba pang bagay, ang husay ng time management niya.
Nangako siya na gagawa na uli ng serye, basta maayos na ang health condition at hindi na mataas ang virus scare. Siyempre naman, dalawang bata ang dapat ingatan ni Marian kaya hindi kataka-taka na medyo stay away muna siya sa trabaho.
Sabik man ang followers niya, naiintindihan din nila ang pagiging mother ni Marian.
Wait natin ang bago niyang business, sure ako, bongga na naman ito.
- Latest