^

PSN Showbiz

Pokwang, lagi pa ring kinakausap ang namatay na nanay

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, lagi pa ring kinakausap ang namatay na nanay
Pokwang
STAR/ File

Itinuturing ni Pokwang na isang anghel na gumagabay sa kanilang buong pamilya ang namayapang inang si Nanay Gloria. Ayon sa aktres ay kinakausap niya ang ina tuwing gabi. Oktubre noong nakaraang taon lamang namatay si Nanay Gloria kaya talagang sariwa pa sa isipan ni Pokwangang mga pangyayari. “Lagi ko naman siya kinakausap, every 6 p.m. kasi nagro-rosary kami. Ang lagi ko lang sinasabi, ipagdasal mo kami. Panatilihin mo kaming malayo sa mga karamdaman lalo na sa pinagdaraanan natin, kami ng mga apo niya. Kasi lahat kami, wala pa kaming vaccine. Sabi ko lagi na gabayan mo kami na matapos ang pandemya na ‘to na walang magkakasakit sa amin,” emosyonal na pahayag ni Pokwang.

Para sa aktres ay sa ina rin niya natutunan ang ilang mga bagay na talagang tumatak sa kanyang isipan. Kailangan din daw na maipasa o maituro ni Pokwang ang mga natutunan sa mga anak na sina Mae at Malia. “Mag-ipon, mag-ipon para sa kinabukasan. ‘Yung ‘wag ubos-ubos biyaya, kapag wala tunganga. ‘Yon ang lagi niyang sinasabi sa amin. ‘O mag-ipon kayo ha, ‘wag ubos biyaya tapos kapag wala tunganga.’ Naalala ko no’ng malakas-lakas pa siya siguro mga 10 years ago, artista na ako no’n. Sabi niya, ‘Mag-ipon ka, mag-invest ka’ at ‘yon rin naman ang lagi kong turo sa mga anak ko,” pagbabahagi ng komedyana.

Coleen, nagka-postpartum anxiety

Walong buwan na ang nakalilipas mula nang ipanganak ni Coleen Garcia ang kanilang supling ni Billy Crawford na si A­mari. Naibahagi ng aktres sa pamamagitan ng video blog ang kanyang napagdaanang postpartum anxiety. “I wouldn’t say I had postpartum depression. But there is something that nobody ever talked to me about. And I only realized what it was in one of my mom groups when somebody opened up about it. And this was way after I gave birth, and that is postpartum anxiety. Before I ever gave birth and got pregnant, I already had anxiety. I would say I had a pretty chill pregnancy, so I stopped thinking about things that worried me. But it’s different ‘pag nand’yan na talaga ‘yung baby. So that has been my struggle. My mind takes me to places na hindi na talaga normal, honestly. I would get so nervous, so stressed, so anxious over nothing and it would get me drained, physically drained as well. I’d be tired almost every day just because my mind was racing. Ang dami kong iniisip na parang napakaimposibl­e namang mangyari. Sa totoo lang masasabi mong praning na talaga. That’s what I’m struggling with,” paglalahad ni Coleen.

Bilang isang bagong ina ay hindi raw talaga madali ang mga pinagdaanan ng aktres. Malaki ang pasasalamat ni Coleen sa kanyang mga mahal sa buhay na silang gumabay habang nakararanas ng anxiety. “One of my elders, sinabi niya na, ‘You know, when I gave birth, hindi pa uso ‘yung postpartum na ‘yan. I didn’t have postpartum. I didn’t have the time, I didn’t have the energy to go through something like that.’ And in my mind, I was like, ‘Yeah! I’m pretty sure that it already exis­ted.’ It’s just that nobody really had a name for it at that time. I’m glad that nowadays people acknowledge it, and that people talk about it, and that people don’t judge others who go through it. It’s really so normal and there’s absolutely nothing wrong with you if you’re going through this,” pagtatapos ng aktres..  (Reports from JCC)

NANAY GLORIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with