^

PSN Showbiz

Paulo Avelino, gustong patibayin ang industriya ng gaming!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paulo Avelino, gustong patibayin ang industriya ng gaming!
Paulo

Hindi na lang actor si Paulo Avelino.

Active na rin siya sa gaming.

At hindi lang basta naglalaro. Nakipag-partner siya sa LuponWXC na kilala sa pagbo-broadcast ng esports tournaments, developing ang promoting game streamers na Cavite-based.

Actually, ayon kay Paulo na kapapanalo lang ng dalawang best actor trophies for his movie Fan Girl, na nag-umpisa lang ito sa pagtulong niya sa game streamers sa pag-procure ng equipment, pero iba na ngayon, key partner na siya sa LuponWXC with CEO and founder Nico Nazario (Kuyanic).

Aminado naman siya bata pa lang siya ay naglalaro na siya ng Countrerstrike nung nasa Baguio pa siya.

To date, kasama sa nilalaro niya ang Valorant and Call of Duty. Parang late na raw kasi siya sa DOTA na kinalolokohan ng maraming kabataan sa kasalukuyan.

Casual gamer lang daw siya pero sumasabak siya sa pustahan at nanalo na raw siya ng P50,000. “Gusto naming patibayin pa itong industriya,” sabi ni Paulo.

Ayon naman sa partner niyang si Kuyanic “Our main product is the broadcast of esports tournaments. Next is the development of gaming streamers. We’re also very much willing to lend our gamers to our Philippine teams.”

Billions diumano ang ganitong business kaya expected na mas magiging visible si Paulo sa esports event.

PAOLO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with