^

PSN Showbiz

Komedyanang kalat ang utak, hindi makakuha ng matagal na karelasyon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming kuwento ang aming source tungkol sa isang komedyanang super-gulo ang takbo ng utak. Nakasanayan na ng kanyang mga katrabaho ang ugali ng komedyana.

Bukod sa pagbabagu-bago ng kanyang isip ay marami kunong drama ang komedyante na matagal na nilang buking. Madrama ang payaso.

Kuwento ng aming source, “Kung bibilangin natin ang mga nakarelasyon niya, e, kailangan nating mag-rent ng bus. Du’n natin sila pasasakayin. Ang problema lang, e, baka kapusin ang mga upuan ng isang bus lang!

“Ganu’n na karami ang nakakarelasyon niya, pero walang nagtatagal. Good for a few months lang ‘yun, hiwalay na sila agad, magkakaroon na naman siya ng panibago,” unang rebelasyon ng aming impormante.

Maraming katrabaho niya ang nanghihina­yang sa talento ng stand-up comedienne. Puwede kasi siya kahit saan. Pagkanta, pagkokomedya, pagdadrama, marami siyang talent.

Patuloy ng aming source, “Nakakaawa siya, actually. Hindi na siya bumabata, padagdag na nang padagdag ang edad niya, pero nasa stage pa rin siya ng paghahanap ng makakasama niya talaga sa buhay.

“Totoo naman sa kanya ang mga guys, minamahal naman siya, pero kung bakit hindi  nagiging maganda ang ending ng relasyon nila! Nakakaloka palagi ang pakikipaghiwalay niya!

“Meron kasi siyang palaging kuda kapag naghiwalay na sila. Very standard ang kuwento. Niloko siya ng lalaki. Ninakawan siya!

“Na para bang meron naman siyang milyones na mananakaw ng guy! Na para bang super-yaman siya na pera lang niya ang gusto ng lalaki at hindi naman siya mahal!

“Juice colored! E, hinahanap nga siya ng inutangan niya ng cellphone, hindi siya matagpuan! Tinatawagan siya, pero hindi siya sumasagot! ‘Yun ba ang nanakawan ng boyfriend niya?

“Nakakaloka siya! Kapag ganyan siya nang ganyan, e, wala talaga siyang makikitang lala­king seseryoso sa kanya. Ang galing-galing pa naman niya, nakakapanghinayang ang talent niya,” sabi uli ng aming impormante.

At pahabol pa ng aming source, “Clue ba kanyo? Ay, may kapangalan siyang character actress na medyo bata-bata pa. Sayang na sayang siya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kim, may suntok sa puso ang pag-alala sa nanay

Sa listahan ng mga dakilang anak sa showbiz ay kasama sa aming listahan si Kim Chiu. Nasubaybayan namin ang kuwento ng kanyang buhay nang pumasok siya sa PBB Teens.

Hindi namin puwedeng kalimutan ang napakapayak niyang buhay sa Cebu na habang namamasyal sa isang mall ay itinulak ng kanyang mga kaibigan at kaklase na mag-audition sa PBB.

Pumasa siya sa audition, tumira sa Bahay Ni Kuya, at nagningning agad ang kanyang presensiya dahil bukod sa gaanin na ang itsura niya ay kitang-kita ang pagi­ging totoo niya.

Sila ni Gerald Anderson ang tinanghal na panalo, mula nu’n ay hindi na napanatili ni Kim ang kapri­baduhan ng kanyang buhay, marami nang kuwentong naglabasan.

Palaging emosyonal si Kim, iyakin siya, pero malalim ang dahilan nu’n. Habang lumalaki siya ay pinagdamutan siyang makasama ang kanyang ina. Ang kanyang ama lang ang nakakapiling nilang magkakapatid.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ng ina ni Kim, pero nasangkot ito sa isang malaking problema, kinailangang umalis ng kanilang ina dahil sa sobrang takot.

Nagtago ang kanyang ina, ‘yun ang pinakatamang terminong dapat gamitin, siguradong alam nila kung nasaan ang kanilang nanay pero hindi nila sinasabi kung ano at saan ang eksaktong lugar.

Dakilang anak si Kim Chiu dahil unti-unti niyang inayos ang mga kompromiso ng kanyang ina. Nilinis niya ang pangalan ng kanyang nanay. Wala siyang hindi binayaran.

Binigyan din niya ng puhunan ang kanyang ama para magnegos­yo sa Mindoro, inayos niya ang buhay nilang magkakapatid, ganu’n kadakila ang puso ni Kim Chiu.

Nu’ng Mother’s Day ay nag-post si Kim ng retrato nilang mag-ina. Niretoke niya lang ang larawan. Hindi totoong magkatabi sila sa inilabas niyang retrato.

May suntok sa puso ang larawang ‘yun na inilabas ni Kim nu’ng Mother’s Day na may kakambal na napakasinserong mensahe. Mahiyain daw kasi ang nanay niya.

Binigyan ni Kim ng mares­petong pamamaalam ang kanyang ina nang pumanaw. Inuna niyang asikasuhin ang problema ng kanyang ina bago ang mga personal niyang kailangan.

Maraming artistang mabait sa kanilang mga magulang pero sa aming libro ay pinakadakila si Kim Chiu. Hindi siya maramot.

Marunong siyang tumanaw ng utang na loob at magpasalamat sa kanyang mga magulang na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makita ang kagandahan ng mundo.

KOMEDYANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with