Alessandra, hindi pa trip magkapamilya
Sa mga nagtatanong kung bakit daw hanggang ngayon ay hindi pa nag-aasawa si Alessandra de Rossi, sinabi niyang hindi pa niya naiisip iyon.
Sa isang social media post, sinabi niyang “kung ang pagiging isang ina o ang pag-aasawa ang inaakala mong pinaka-magandang nangyari sa buhay mo, masaya ako para sa iyo. Siguro nga iyon ang sitwasyong pinaka masaya na. Pero happy na ako sa Jollibee. Kanya-kanyang trip lang iyan” dugtong pa niya.
May mga tao talagang iyon ang trip sa buhay. May mga taong mas masaya kung mag-isa lang sila sa buhay.
Kung sabihin ng iba mahirap, lalo na sa pagdating ng panahong nagkakaedad ka na, pero kanya-kanyang trip nga iyan eh. Kung iyan ang gusto mong buhay paghandaan mo ang mga darating pang panahon.
Hindi rin naman siguro nangangahulugan na pag-iwas ‘yan sa responsibilidad. Karaniwan ng dahilan ay nagiging abala sa ibang mga bagay kaya hindi na naiisip ang mag-asawa. Mayroon namang naniniwala na hindi mahalaga ang pagkakaroon ng asawa.
Kung ano man ang dahilan ni Alessandra, wala na nga tayong pakialam.
Kabaliktaran naman iyan ng paniniwala ng nakatatanda niyang kapatid na si Assunta, na nagsabi naman na sa dalawampu’t limang taon niya sa show business na panay puyatan, mas matindi pa rin ang pagpupuyat niya ngayon sa pag-aalaga sa kanyang anak.
Pero ang sabi niya, hindi niya ipagpapalit ang kanyang pagiging nanay sa show business o sa kahit na ano pa man.
Makikita ninyo riyan na maski na magkapatid nagkakaiba pa rin ng paniniwala, pero ang sinasabi nga ni Alessandra, kung saan ka masaya eh di doon ka.
Ngayon nga kasi dahil sa social media, marami na ang nakikialam at kung anu-ano nang paniniwala ang lumalabas.
Hindi rin naman natin mapipigil kung ano man ang isipin at gustong sabihin ng mga tao. Nasa atin na rin naman iyon kung ano ang paniniwalaan natin. Kailangan nga lang siguro, intindihin natin at pag-aralan kung ano ang nararapat sa ating buhay.
Markki, aprub sa multiple partners!
Iba naman ang sinasabing pinaniniwalaan ng singer at actor na si Markki Stroem. Una, sinabi niyang naniniwala siya sa same sex relationship, at naniniwala siya na ok lang ang pagkakaroon ng multiple partners. Karaniwan naman iyan sa mga gay, na hindi lamang isa kundi maraming iba-ibang karelasyon.
Ayaw din naming sabihing mali ang paniniwala ni Markki. Kung ang gusto ba niya ay maraming boyfriends, iyon ang paniniwala niya at hindi natin siya pakikialaman sa paniniwalang iyon.
Pero hindi naman natin maikakaila na delikado ang pagkakaroon ng multiple partners.
Hindi nga ba sinasabing ang pagkakaroon ng multiple partners lalo na ng mga bading ang naging dahilan kung bakit mabilis na kumalat ang HIV-AIDS?
Huwag na nating kuwestiyunin ang moralidad, iyon na lang kalagayan ng kalusugan ng mga tao.
Ang pagkakaroon ng multiple partners, dahilan din iyan ng pagkalat ng COVID. Pero hindi namin pinakikialaman kung ano man ang paniniwala ninyo.
Aktor na nagka-COVID-19, halos 2 milyon ang nagastos!
Hindi naman daw siya sumasama sa kahit na sino lang. Kilala naman niya ang mga sinasamahan niya. Kailangan talaga kilala niya at siyempre “can afford.” Tapos sinasabi niya na six days after, nagpapa-swab test din siya para sigurado. “At saka hindi ako nagki-kiss,” sabi ng isang gay male star na nakikipag-date din sa mga kapwa niya gay.
Totoong gay siya, Tita Salve, Pero hindi katiyakan iyan ha. Minsan nagne-negative sa swab test tapos kinabukasan positive na. Hindi mo talaga alam kung kailan puputok ang virus sa katawan mo.
At malalaman mo lang na napasukan ka na kung may sakit ka na. Kaya iyang mga ganyang date-date na ginagawa ng gays, delikado.
Wala pang siguradong bakuna na makatitiyak na hindi ka mahahawahan ng COVID. Wala pa rin namang gamot na nadidiskubre para sa COVID.
Sinabi nga sa amin ng isang actor, umabot daw sa halos dalawang milyon ang gastos niya noong tamaan siya ng COVID.
- Latest