^

PSN Showbiz

Bernadette, nami-miss na ang Yakap

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bernadette, nami-miss na ang Yakap
Bernadette
STAR/ File

Isang taon matapos ang shutdown ng ABS-CBN, naglabas si Bernadette Sembrano ng awiting Yakap para mapagaan ang loob ng kapwa Pilipino. “I miss comforting people with a hug. And I miss being hugged, too.  Please allow our music to embrace you during these times,” aniya.

Kasagsagan ng umpisa ng pandemya noong 2020 unang pumasok ang ideya ng kanta sa TV Patrol anchor, kung kailan puno ng takot ang mga tao dahil sa banta ng COVID-19.

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagtulak kay Bernadette na gumawa ng kanta tungkol sa ‘yakap,’ na naging dahilan para maisulat niya nito.

Bukod sa lyrics, siya na rin ang nagsulat ng musika nito, kaya naman ito ang kauna-unahang kanta na siya ang nag-compose nang buo. Si Jonathan naman ang nag-produce nito.

Swak ang kanta para sa Kapamilya fans, ar­tists, workers at kanilang mga pamilya na madalas sinasabi ang salitang ‘yakap’ bilang pagpapakita ng pagmamahal at pakikiramay sa isa’t isa noong ipinatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN.

Naging personal naman ang kahulugan ng kanta para kay Bernadette na kamakailan lang ay gumaling mula sa COVID-19.

“Parang naging note to self siya,” aniya.

Noong isang taon, nakipag-collaborate din siya kay Jonathan para sa kantang Ang Sa Iyo Ay Akin at nag-release ng pamaskong kanta na Yakapin ang Pasko. 

YAKAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with