^

PSN Showbiz

Nadine Lustre bumulaga sa dambuhalang Spotify billboards sa New York City

James Relativo - Philstar.com
Nadine Lustre bumulaga sa dambuhalang Spotify billboards sa New York City
Tanaw na tanaw sa gitna ng "Times Square" sa New York City, Estados Unidos ang Pinay pop icon na si Nadine Lustre, ika-30 ng Abril, 2021
Mula sa Instagram account ni Nadine Lustre

MANILA, Philippines — Anong mararamdaman mo kung nasa ibayong dagat ka't biglang bumungad ang higanteng mukha ng Pinoy celebrity na isa sa pinakatanyag na commercial intersections sa buong bansa? Ganyan nga mismo ang inabutan ng ilan ngayong araw sa Amerika.

Si Nadine Lustre kasi ang naging cover ng "EQUAL playlist" ng streaming service na Spotify sa pamosong "Times Square" sa New York City, Estados Unidos ngayong Biyernes.

"[W]e made it to nyc fam @carelessph! Check out the EQUAL Philippines Playlist now on @spotify," ani Nadine sa kanyang Instagram post kanina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ???? ???? (@nadine)

Kitang-kita pa sa ipinaskil niyang video kung paano dahan-dahang nagpalit ang laman ng pahabang LED billboard para i-showcase ang singer-actress.

Taong 2020 lang nang ilabas ang huling album ni Nadine na "Wildest Dreams" sa pamamagitan ng record label ng kanyang ex-boyfriend at kapwa singer-actor na si James Reid. 

Ang EQUAL ay bahagi ng kampanya ng Spotify para i-highlight ang iba't ibang female artists at musicians sa buong mundo.

Kabilang rin sa nasabing EQUAL playlist Philippines ang iba pang FIlipina artists gaya na lang nina Sarah Geronimo, Moira dela Torre, Morissette, Reese Lansangan, Clara Benin, Keiko Necessario at marami pang iba.

Maliban pa riyan, meron ding kanya-kanyang EQUAL playlist ang Spotify para sa iba pang mga female artists ng Korea, Canada, Japan, United Kingdom at Ireland, Taiwan, Spain atbp.

NADINE LUSTRE

NEW YORK

SPOTIFY

TIMES SQUARE

UNITED STATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with