^

PSN Showbiz

Direktor ng 'Ang Probinsyano' patay sa kumplikasyon sa COVID-19

Philstar.com
Direktor ng 'Ang Probinsyano' patay sa kumplikasyon sa COVID-19
Litrato ng beteranong direktor na si Toto Natividad
Mula sa Facebook ni Direk Toto Natividad

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang beteranong direktor at lingkod-bayan na kilala sa kanyang trabaho sa "longest-running drama series" sa telebisyong Pilipino.

Kinumpirma sa ABS-CBN ni Luz Naraga ang pagkamatay ng kanyang partner na si Toto Natividad, 10:15 a.m ng Martes, sa Green City Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Una nang na-diagnose ng COVID-19 ang direktor, na kasalukuyang nasa edad na 63-anyos.

"Napakasakit sa akin... Umabot pa siya ng isang linggo," kwento ni Naraga sa media.

"Napakabait niyang tao, cool lang siya, hindi marunong magalit... Napakasipag, siya mismo ang personal na tumutulong at umaalay sa barangay namin."

Maliban sa "FPJ's Ang Probinsyano" sa Kapamilya Network, kilala si Toto para sa pagdi-direct ng sari-saring action films noong dekada '90 na pinagbidahan nina Eddie Garcia, Rudy Fernandez, Cesar Montano, Edu Manzano, Victor Neri at Ian Veneracion.

Isa rin si Natividad sa 11 founders ng Directors Guild of the Philippines (DGPI), kasama sina Ishmael Bernal at Marilou Diaz Abaya.

Ika-20 pa lang ng Abril nang humingi ng tulong sa publiko ang anak ni Toto na si John Isaac Natividad, sa dahilang punuan na ang mga ospital.

"[K]ailangan po maconfine ni papa sa ospital. [N]ahihirapan po kami ngayon makahanap ng ospital dahil puno po lahat. baka po makahingi ng tulong niyo," ani John Isaac.

 

ako po ay mapagkumbababang humihingi ng tulong po para sa aking ama na si Direk Toto Natividad, kailangan po maconfine...

Posted by John Isaac Natividad on Tuesday, April 20, 2021

 

Inalala bilang punong barangay

Hindi lang mundo ng showbiz ang nagluluksa sa pagkawala ni direk Toto ngayong araw — pati na rin ang mga nakasama niya sa larangan ng pulitika.

Isa na nga sa mga nagpaabot ng kanyang pakikiramay ay si Navotas Mayor Toby Tiangco.

"Kahit senior citizen at bahagi ng bulnerableng sektor na may mas mataas na tyansang mahawa ng COVID-19, hindi nagpapigil si Kap. Toto sa pag-asikaso at pangangalaga sa kanyang mga kabarangay," ani Tiangco kanina.

"Palagi ang kanyang paalala sa kanyang nasasakupan na mag-ingat para makaiwas sa sakit."

 

 

Dagdag pa ni Tiangco, hindi lang kawalan si Toto sa naulilang pamilya kundi lalo na sa buong Lungsod ng Navotas.

"Hindi matatawaran ang kanyang paglilingkod, at nawa’y manatili sa atin ang mga aral na kanyang naituro at kabutihan na kanyang nagawa," pagtatapos ng alkalde. — James Relativo

ANG PROBINSYANO

NOVEL CORONAVIRUS

TOTO NATIVIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with