Rabiya, pinakita ang totoong hitsura
Uy bongga si Rabiya Mateo maganda pa rin siya kahit bare at walang ka-makeup-makeup.
Pinakita niya kasi ang hitsura na walang kaayus-ayos.
Marami kasing nanlalait sa kanya na ‘pag fully made up lang naman siya maganda.
“I live in a cruel industry. I’m always compared to different girls. People have always something to say like, “You’re not beautiful enough. You’re so thin. I don’t like what you wear.”
But then life is never superficial. It’s not always what’s attractive to our eyes but it’s the love we choose to build, the connection we make to people and how we want to celebrate ourselves!.
This is the real me. No make up. No heavy hair extensions. Nothing fancy to wear. Just me.
Even in my simplest form, I know in my heart I am nothing less than phenomenal.”
Tubong Iloilo City si Rabiya, na patuloy na gumagawa ng ingay sa kaniyang magagandang photo shoot at kasalukuyan nang nasa Amerika para sa pre-pageant activities ng Miss Universe.
Ang latest trending pictorial niya ay ang kanyang Filipiniana pictorial na inspired sa Philippine flag.
Layunin ni Rabiya na magbigay saya at karangalan sa bansa sa kanyang paglaban upang maging ika-limang Miss Universe mula sa Pilipinas pagkatapos nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
Magaganap ang live telecast ng Miss Universe sa Pilipinas sa pagpapatuloy ng pagtutulungan sa pagitan ng ABS-CBN, ang opisyal na partner para sa pagpapalabas ng pageant sa bansa, at IMG, na siyang nagmamay-ari sa Miss Universe brand.
- Latest