Founder ng Maginhawa Community Pantry, madrama rin ang buhay
Interesting ang buhay ni Ana Patricia Non base sa ilang nabanggit niya sa interviews. Si Patricia o Patring sa kakilala ang founder ng Maginhawa Community Pantry.
Naging inspirasyon ang project ni Patricia na community pantry sa nagsulputang community pantries sa buong bansa.
Eh nang mabalitang na-red tag si Patring, nabanggit niyang naging aktibista rin siya. Wala rin daw political color sa ginawa niya.
Siyempre, mas marami pang puwedeng halukayin sa buhay niya, huh!
So puwedeng-puwedeng i-feature sa Magpakailanman ng GMA Network ang life story ni Patricia, huh! Mas marami pang makakanood!
K-pop fans, buhay ang bayanihan
Nahikayat na rin ang ilang K-pop fans na magtayo ng community pantry sa kani-kanilang lugar.
Isa na rito ang tinatawag na BTS army na tawag sa fans ng K-pop group na BTS. Sa Facebook page ng Army Cavite fanbase, nag-set sila ng community pantry sa Winward Hills Subdivision sa Dasmariñas, Cavite, at sa Manuela Ville Subdivision.
Samantala, ang fans ng EXO ay nagtayo ng community pantry sa Maysilo, Malabon. At least, kahit sa K- pop fans, buhay na buhay ang bayanihan spirit, huh!
- Latest