^

PSN Showbiz

Dolyares ang tayaan male personality naubos ang ipon sa online casino!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Palaging kapos sa pananalapi nu’n ang isang magaling umarteng male personality. Marami namang trabahong naibibigay sa kanya ang namamahala ng kanyang career, masipag ang kanyang manager, pero palagi pa rin siyang kinakapos.

Hindi niya naman ginugutom ang kanyang pamilya, naibibigay niya naman ang mga pangangailangan ng kanyang misis at ng kanilang mga anak, kaya lang ay wala siyang agarang nahuhugot kapag nangangailangan siya.

Nagtataka ang kanyang manager kung saan niya dinadala ang kanyang pera, wala naman siyang mga bisyo, maingat nga ang male personality sa kanyang imahe.

Kuwento ng aming source, “Wala talaga siyang bisyo. Ni hindi nga siya umiinom, kapag may okasyon lang. Hindi rin naman siya nagka-casino, bahay-trabaho lang ang ikot ng buhay niya, kaya nakapagtataka kung bakit wala siyang naiipon.

“Nagtatanong nga ang manager niya sa mga kasamahan niyang artista, ano raw ba ang pinagkakaabalahan niya? Walang maisagot ang mga kaibigan niya, kasi, family man naman ang male personality!” unang kuwento ng aming impormante.

Kapag nagkakaroon ng emergency ay tumatawag sa kanyang manager ang aktor, humihingi ng tulong, tatalak lang sandali ang manager niya pero hindi rin naman nakatitiis.

Patuloy ng aming source, “Heto na. Hindi nga umaalis ng bahay ang male personality, hindi siya mapagdududahang nagka-casino, hindi rin naman siya mahilig mag-bar hopping, pero may natuklasan ang mga taong close sa kanya.

“Meron din pala siyang pinagkakaabalahan, online lang ang paraan, sa bahay lang siya naglalaro at may bayad ‘yun! Hindi niya na kailangang mag-utos sa pagpapadala ng payment, ibinabawas lang ‘yun sa bank account niya!

“Kaya naman pala lagi siyang kapos, kapag may emergency, e, wala siyang nahuhugot, may pinagkakagastusan pala siya! At malaki pala ang bayaran sa ganu’n, dollars!

“Nabuking ng manager niya ang kuwento, tinalakan siya nang walang humpay, kaya walang choice ang male personality kundi ang magbabu na sa kanyang pinagkakagastusan!

“Kung sino siya? Naku, huwag nang sa akin manggaling, pabayaan na lang nating ang manager niya ang magbuking kung sino siya!” todo ang halakhak ng aming impormante sa kanyang pagtatapos.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Ubos!

John Lloyd at Derek, ideal ang samahan

Iba talaga ang mga edukado. Lalong ibang-iba ang mga taong marespeto. Sa aspetong ‘yun ay isang magandang halimbawa sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay.

Pinagsasabong sila ng mga bashers, palagi silang pinag-aaway, pero kahit kailan ay wala tayong nababasa at naririnig na kuwento ng pagpatol nila sa mga amuyong.

Sariwa pa ang paghihiwalay nina JLC at Ellen Adarna, si Derek agad ang pumalit sa puso ng sexy actress, napakabilis ng mga pangyayari.

Naging malapit agad si Elias Modesto, ang produkto ng pagmamahalan nina John Lloyd at Ellen, kay Derek. Parang tunay na anak na rin kung ituring ng hunk actor ang bata.

Parang mahirap sakyan ang mga nagaganap, parang magiging mahirap tanggapin ‘yun ni Elias, pero hindi. Sa mga ipino-post na video at retrato nina Derek at Ellen ay masayang-masaya ang bata.

Kamakailan lang ay nagkita na nang personal sina John Loyd at Derek, naganap ‘yun sa mismong bahay ng hunk actor, sinundo ni JLC ang anak nila ni Ellen.

Maayos na palang pinag-uusapan nina JLC at Ellen ang senaryo. Susunduin ng kanyang ama ang bata at ihahatid din pagkatapos ng panahong napagkasunduan nila ni Ellen.

Plantsado na ang lahat. Si Ellen ang gumawa ng hakbang. Malinaw kina John Lloyd at Derek ang dapat mangyari. Ang ganda-ganda ng kanilang samahan, ang lahat ay para sa kapakanan ni Elias, hindi lang para sa kanilang tatlo.

Sabi nga, marunong lang tayong mahiya at rumespeto ay wala nang kulang sa atin, tahimik na ang mundo. Marespeto si Derek, ganu’n din si Lloydie, at marespeto rin si Ellen bilang ina ni Elias.

Alam ni Derek Ramsay kung ano ang kanyang posisyon, ipinagpapasalamat naman ni John Lloyd ang pagmamahal ng aktor sa kanyang anak sa mga panahong hindi sila magkasama, ganu’n sana kaayos ang relasyon ng mga artistang nagririgodon sa pakikipagrelasyon.

Sa totoo lang!

JOHN LOYD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with