^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad na suki dati ng mga bugaw, amoy patay na daga ang hininga

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mula nang sumikat ang isang male personality ay natural lang na hindi na siya naghahanap ng kaligayahan sa kung saan-saang lugar. Nagpapahanap na lang siya sa mga kilalang Boogie Wonderland.

Kung dati’y rumarampa pa ang popular na male personality sa mga bar, nang sumikat siya ay tapos na ang mga ganu’ng senaryo, dumarating na lang sa kanyang bahay ang mga inoorder niyang “karne”.

Pero may nagiging problema ang mga jugaling kapag kumukuha na siya ng mga kalalakihan, sa una lang pumapayag ang mhin pero sa ikalawang beses ay tumatanggi na, ano ba ang poblema?

Kuwento ng aming source na kaibigan ng mga Boogie Wonderland, “Wala namang problema sa datung, very generous daw naman ang sineserbisan nila, pero may hindi sila matanggap kahit pa kailangang-kailangan nila ng datung!” biting unang kuwento ng aming impormante.

Bukod sa sobrang pagod na pagod daw ang mga syolbam (read: callboy) ay meron pa silang hindi matiis kapag kasama na nila ang sikat na male personality.

Patuloy ng aming source, “Wala silang reklamo sa datung, pero kapag kasama na kuno nila ang sineserbisan nila, e, gusto nilang magsuot ng face mask! Masyado raw masyoho ang hininga, kahit pa ngata siya nang ngata ng bubble gum!

“Imagine, hindi pa pandemya nu’n, pero gusto na nilang gumamit ng face mask? Baka nga pati face shield, e, gusto na rin nilang gamitin para wala silang maamoy kapag nagsasalita na ang parukyano nila!

“Grabe raw kasi ang tindi ng bad breath ng sikat na male personality na ‘yun, amoy patay na daga raw ang peg! ‘Yun ang nagiging poblema ng Boogie Wonderland, first and last service ang nangyayari!

“Ayaw na siyang balikan ng mga syolbam, kesehodang kailangang-kailangan nila ng datung, hindi bale na lang daw!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

At may bonus pang impormasyon ang aming source, kakaiba kuno ang gusto ng male personality, ang titulo ng kanyang pelikula ay “Tuwad, Darna, Tuwad!”

“Mismo! Ganu’n pala siya, hindi siya palakang kumokokak ng mga mhin, walang ganu’n! Ang alam lang niya, e, ang tumuwad nang tumuwad!

“Pero tapos na ang lahat ng mga kuwentong ‘yun dahil meron na siyang karelasyon, wala na siyang ino-order na syolbam, dahil nagmamahalan sila ng boyfriend niyang ginagawa siyang girl!

“Wala nang clue, ha? Tunay na pag-ibig ‘yun, dahil natitiis ng lalaki ang amoy patay na daga niyang hininga!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Husay ni paulo, tumatak sa WHP

Wala na. Tapos na. Mula sa Lunes nang gabi ay magbabago na ang ikot ng pagtutok namin sa mga serye. Natuldukan na ang istorya ng isa sa pinakamagagandang seryeng napanood namin at sinubaybayan.

Nakakalungkot dahil tapos na ang seryeng Walang Hanggang Paalam na pinagbibidahan ng hindi man kasingsikat ni Coco Martin ay napakahusay namang aktor na si Paulo Avelino.

Siya na talaga. Paminsan-minsan lang kaming humahanga sa artistang mahal na mahal ang kanyang trabaho na itinatawid niya naman sa publiko. Iba ang hugot ni Paulo sa madadramang eksena. Pusong-bato lang ang hindi madadala ng kanyang pagganap.

Sa pinakahuling gabi ng serye ay iniyakan namin ang pagluha ni Paulo nang makaharap ang kanilang anak ni Angelica Panganiban na ipinaglaban ng aktres sa kanyang puso na buhay pa.

Habang lumuluha si Paulo ay nilapatan pa ng scoring, si Erik Santos ang kumakanta, kaninong puso ba naman ang hindi makikiiyak sa tagpong ‘yun.

Pareho kami ni Direk Franie Zamora na walang pinalalampas na episode ng Walang Hanggang Paalam. Du’n sa eksenang ginagawaran ng medalya ng NIA ang magigiting nilang miyembro ay kapala-palakpak ang pagganap ni JC Santos. Sandali lang ‘yun pero inagaw ng aktor ang entablado.

Bukod kina Paulo Avelino, JC Santos at Ronnie Lazaro ay napakahusay rin nina Cherry Pie Picache, Tonton Gutierrez, Zanjoe Marudo at ng gumanap na heneral na si Arthur Acuna.

Ikatlong serye na ito ni Art Acuna na nasubaybayan namin. Iba rin ang kanyang pagganap. Hindi ito naliligaw. Napakahusay pa nitong magbitiw ng mga linya sa Ingles at Pilipino.

Tanong ni Direk Franie na masyadong apektado sa pagtatapos ng serye, “Paano na tayo ngayon, Nanay? Paano na ang mga susunod na gabi natin? Sana, maganda rin ang Init Sa Magdamag.”

Nais naming pasalamatan ang Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal, ang kanyang staff at crew, sa pagbibigay sa publiko ng isang seryeng hindi kalimut-limot.

Siguradong marami pang ipanganganak na serye ang produksiyon, marami pang nakalinya, pero para sa amin ay namumukod-tangi ang Walang Hanggang Paalam.

Salamat sa pagbibigay-halaga sa pambayad namin sa kuryente, salamat sa pansamantalang pagtakas namin sa problemang hatid ng pandemya, at maraming-maraming salamat sa pagtatanggal ng talukbong kung gaano kahusay at kaepektibong aktor si Paulo Avelino.

PAOLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with