Ziggy, naka dalawang pandemic birthday na
Imagine kung gaano kabilis talaga ang araw. Si Jose Sixto Dantes o Ziggy nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, two years old na agad kahapon. At bale second pandemic birthday na niya ito, dahil last year, ayun, wala ring party dahil nga pandemic.
Paglaki ni Ziggy at itatanong niya kung bakit wala siyang party sa dalawang birthday niya, malalaman na niya ang tungkol sa pandemic at COVID-19. At malalaman na rin ni Ziggy kung ano ang ginawa ni Marian para lang tuluy-tuloy ang breastfeeding sa kanya na pag-give up sa ilang projects.
Lahat nagsasabi na ‘yung dalawang anak ng mga Dantes, sina Zia at Ziggy, mukhang talagang papunta sa showbiz, dahil mga bata pa ay ang gaganda at puno na ng energy. Si Zia nga ‘yung dance moves ay parang isang dancer na, at si Ziggy mahal na mahal ng kamera.
Lucky kids at lucky parents din sina Dingdong at Marian. Dahil kahit nga sa busy skeds nila, priority pa rin ang family life. Kaya sure ka, that their kids will grow up as good as their parents.
Happy birthday, Ziggy, kahit walang big party, at least puno ng love ang growing up years mo.
Tiwala nina Ka Tunying at Rossel, sinira ng tauhan
Naloka naman ako sa balita na nagsampa na ng demanda si Ka Tunying sa nagnakaw ng P15M sa negosyo nila ni Rossel Taberna.
Imagine na ‘yung hirap nila para mapalago ang Ka Tunying’s Cafe na talaga namang hands on ang pag-aalaga nila dahil nga para sa future ng kanilang mga anak, mananakawan pala. ‘Yung hirap nila na i-sacrifice ang oras para lang makita ang magandang resulta ng resto/cafe nila, ‘yung basta may bakanteng oras pinapasyalan ni Ka Tunying ang mga branch para makita ang andar ng business, at kung maayos ang trabaho ng mga tao niya, pagkatapos heto, sa rami ng hirap mo, meron palang mga tao na sasamantalahin ang tiwala mo.
Sabi nga ni Inday Badiday, mag-ingat ka sa mga taong hindi mo kilala, pero mas mag-ingat ka sa tao na kilala mo na.
Hindi nga akalain nina Ka Tunying at Rossel na lolokohin sila ng naturang tao, at talagang dagdag pa sa problema nila sa anak na may sakit ang nangyari.
Buti na lang at matatag ang pananalig nila sa Diyos, kaya alam nila na kakayanin nila ang lahat ng pagsubok.
- Latest