^

PSN Showbiz

Nanay ng sikat na artista, malaki ang kita sa pagbebenta ng mga gulay at halaman sa ­kanilang bakuran!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung dati nang sarado ang mga kamao ng ina ng isang pamosong female personality ay paano pa ngayong panahon ng pandemya? Mahusay sa buhay ang mommy ng female personality. Lahat ng matitipid ay ginagawa niya.

Hindi na sila magugutom, magputukan man ang mga bulkan ay sigurado na ang kanilang kinabukasan, pero sadyang may kakuriputan ang ina ng female personality.

Paano pa ngayong pandemya? Ano ba ang mga naging programa sa buhay ng mommy ng female personality ngayong maraming ipinagbabawal sa mga mamamayan?

“Hindi talaga sila magugutom. Hindi ‘yun dahil sa mayamang-mayaman na sila, kundi dahil sa galing dumiskarte ni madir! Siya pa ba ang mabibiktima ng kagutuman?” unang komento ng ­aming impormante.

Magaling sa paghahalaman si mommy. Berdeng-berde ang kanilang bakuran sa isang pangyayamaning village dahil sa iba-ibang klase ng mga halamang itinatanim niya.

Balik-kuwento ng aming source, “Ay, iba na ngayon ang nakatanim du’n! ibinenta ni mommy ang magaganda niyang halaman, naging plantita siya, inubos niya talaga ang mga pananim niya!

“Mga gulay na ang nakatanim du’n ngayon. Kumanta ka ng ‘Bahay Kubo,’ siguradong nandu’n ang lahat ng mga gulay na sinasabi sa kanta!

“Talagang magaling siyang dumiskarte, napakamahal nga naman ng mga gulay ngayong pandemya. Mistula siyang magbubukid ngayon, puro pagtatanim ng iba’t ibang gulay ang pinagtutuunan niya ng panahon.

“E, negosyante si mommy, di ba, kaya alam na this! Gaano nga lang ba naman karami ang kakailanganin nila sa araw-araw, kaya ang ginawa ni madir, e, ibinebenta pa ang kanyang mga inaaning gulay!

“Alam ‘yun ng mga kapitbahay nila, nagpapaskel siya sa village ng number kung saan puwedeng makabili ng mga sariwang gulay. Ang galing-galing talaga ni mommy, di ba naman?” nakangiti pang sabi ng aming impormante.

Bawal lang ang pag-aalaga ng mga baboy sa kanilang village, pero kung hindi lang, siguradong pumasok na rin sa isip ng mudra ng kilalang female personality ang pag-aalaga dahil napakataas nga naman ng presyo ng pork ngayon.

“Baka nga pati fishpond, e, pasukin na rin ni mommy, mataas na rin ang presyo ng mga isda, hindi imposibleng pasukin na rin ‘yun ni madir!

“Nakasandal talaga sa pader ang kilalang female personality, anuman ang mangyari, meron siyang nanay na magaling dumiskarte. Mag-pop-in at pop-out man ang pandemya, e, buhay na buhay pa rin sila!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Raffy, may ngipin ang mga salita ‘pag nasa studio

Dalawang linggong hindi nagtrabaho sa studio ng TV5 si Raffy Tulfo. Nag-quarantine siya dahil nagpositibo ang kanyang driver. Nag-work from home lang muna ang matapang pero mapusong broadcaster.

Isang hapon sa Wanted Sa Radyo ay sinabi niya, ‘Sa darating na Monday po, e, magla-live na ako. Sa studio na ako magso-show. Hindi na sa bahay lang through phonepatch.

“Nakukunsensiya ako na ang buong staff ko, e, nagtatrabaho sa studio, samantalang ako, nasa kuwarto ko lang na naka-aircon ako, napakakumportable.

“Kailangan ko silang samahan sa programa, dapat kaming sama-sama, kaya sa Monday, live na ako,”  makabuluhang sabi ng sikat na news anchor-komentarista.

Ibang-iba kapag siya ang nakaupo sa sumbungang silya ng ating mga kababayan. May diin ang kanyang dating, may ngipin ang kanyang mga salita, wala siyang inuurungang kahit sino kapag siya ang nasa tama.

Panahon ngayon ni Raffy Tulfo. Siya ang pinakasikat sa kanilang magkakapatid dahil sa dami ng programang ipinagkakatiwala sa kanya ng Cignal One PH at TV5. May pahinga pa ba siya?

Meron siyang Idol In Action sa tanghali, umeere naman ang kanyang Wanted Sa Radyo tuwing hapon (bago ang Cristy Ferminute), nand’yan pa ang Wanted: Ang Serye tuwing Sabado nang gabi na siya ang nagtatahi ng mga istoryang isinusumbong sa kanya.

“May mga time na sa dressing room na lang ako nagpapahinga. Maigsi lang ang ipinaghihintay ko mula alas dose hanggang alas dos, kaya kesa umuwi pa ako, du’n na lang ako sa dressing room.

“Pero umuuwi ako pagkatapos ng Wanted Sa Radyo para maligo naman muna bago ako sumalang sa Frontline Pilipinas, tatlong programa ang ginagawa ko araw-araw.

“Kahit pagod, masaya ako sa trabaho ko, marami akong natutulungan sa abot ng aking makakaya, nabibigyan ko ng pag-asa ang mga kababayan nating walang kalaban-laban lalo na pagdating sa batas,” pasasalamat pa ng nakakatakot lang pero madaling mahaling broadcaster.

Grabe ang suportang ibinibigay ng ating mga kababayan sa kanya, lalo na ng mga OFW, nasa dalawampung milyon na ang kanyang followers sa YouTube.

Ganu’n din katindi ang mga tagasubaybay ni Raffy Tulfo sa Facebook, meron pa siyang TikTok at pati ang Lyka ay nakopo na rin niya.

Panalung-panalo!

PANDEMYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with