^

PSN Showbiz

Cherry Pie hindi nagpa-hospital kahit nagkaroon ng pneumonia

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Cherry Pie hindi nagpa-hospital kahit nagkaroon ng pneumonia
Cherry Pie
STAR/ File

Kinuwento ni Cherry Pie Picache na hindi biro ang pinagdaanan niyang hirap nang magkaroon ng COVID.

Nagkaroon pala siya ng pneumonia pero hindi siya pumunta ng hospital na punuan sa kasalukuyan at ang ginawa lang niya ay ang palakasin ang immune system.  “Alam natin na mahirap and heartbreaking ang pandemic but nung nagkasakit ako, only because siguro iba-iba yung tama ng COVID sa iba-ibang tao, doon ko talaga naramdaman that it’s real, it’s hard and difficult,” pag-amin niya sa virtual media confe­rence ng WHP.

“Nung una wala akong masyadong sintomas na nararamdaman but as the days went on, it was very difficult. Masakit sa katawan, sa ulo, sa lahat. Nag-develop din ako ng pneumonia. But the miracle is… with all the pneumonia and everything, I wasn’t hospitalized. Naka-monitor ako with my doctors. Wala siyang gamot so dapat talaga palakasin ang immune system ng tao. Talagang wala kang kakapitan kundi ang Diyos,” she recalled.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapalakas pa rin ang actress.

Anyway, huling linggo na ng WHP at susuungin nina Emman (Paulo Avelino) at Celine (Angelica Panganiban) ang lahat ng balakid mabuo lang ang kanilang pamilya at makapiling muli ang anak na si Robbie sa huling linggo nito sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

CHERRY PIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with