Quezon City, pinuri ang sistema sa pagbabakuna
Bongga ang Quezon City ha. Gusto kong purihin ang maayos na system ng pagpapabakuna ng Quezon City.
‘Yung mga barangay chairman, talagang in-announce ang date, oras at lugar kung saan puwedeng magpabakuna. At kailangan talagang purihin ang maayos na sistema nito, hindi magulo at hindi siksikan.
Bongga si Mayor Joy Belmonte, talagang makikita mo ang kagustuhan niya na matulungan ang mga taga-QC para maligtas sa COVID-19.
Ang ganda ng explanation ng mga doctor, ang pinakamahusay na bakuna ‘yung available. Kung ano ang ibibigay, huwag nang pumili, basta may panlaban tayo sa sakit, ok na iyon.
Una ang seniors, susunod na ang iba. Lahat magpabakuna na, labanan na natin ang COVID-19.
Salamat sa pag-aalaga, Mayor Joy Belmonte.
Talagang ikaw ang nanay ng Quezon City.
Nam Joo-hyuk, nagparamdam sa pinoy fans
Ang cute naman ng ginawa ni Nam Joo-hyuk na pagbati niya sa Filipino fans niya na parang mahal na mahal niya ang Pilipinas.
Siguro naman dahil dalawang beses na siyang nagpunta rito sa atin, at kahit nga ‘horror’ ‘yung last experience niya na halos umiyak na siya.
Siguro naisip ni Nam Joo-hyuk na talagang masyado lang excited ang fans niya kaya naging physical ang naging pagtanggap sa kanya. Kaloka naman kasi na halos hubaran na siya at kurut-kurutin, at kung bakit hindi naging maingat ang security. Naging relax siguro dahil nakitang at home na at home si Sandara Park na talaga namang para na ring Pilipino dahil nga sa pagmamahal niya sa ating nung huling bisita niya sa Pilipinas.
Siguro this time medyo mahirap nang mag-meet and greet si Nam Joo-hyuk dahil mas tumaas na ranking niya as star.
‘Katuwa talaga na kahit ganun ang experience niya sa fans dito, love pa rin niya tayo. Talagang go go tayo sa Korea ‘pag puwede na, dalawin uli natin si Sandara Park at hanapin natin ang mga oppa.
Halika na, Aries, samahan si Lola Lolit, hah hah.
- Latest