Queen Elizabeth, hindi natinag ng mga intriga!
Siguro mas mahaba ang lifeline ng babae kaysa lalaki.
Tingnan mo, namatay na si Prince Philip (99) pero buhay pa rin si Queen Elizabeth (95).
At pag namatay si Queen Elizabeth magkakaroon ng bagong King o Queen ang England.
Bongga ha, dahil for the longest time ang nakikita lang ng mundo ay si Queen Elizabeth, at in fairness ha, ang dami niyang pinagdaanang intriga pero as a true queen, dignified ang kanyang aura sa problema.
Iyong scandal kay Prince Charles at Camilla, iyon accident ni Princess Diana, iyon lately ay problema kay Prince Harry at Meghan Markle.
Pero like a true leader, hayun siya, hindi natinag. May issue nun na baka mawala na ang monarchy sa modern England, pero nakita pa rin nila ang malaking papel ng mga royal sa ikinaiba ng England sa ibang bansa.
This time, marami na rin nabago sa mga royal, hindi na ganun ka stiff, hindi na ganun ka-untouchable.
Slowly meron na rin mga pagbabago. Kaya hindi pa rin mawala ang excitement sa kanila ng publiko.
TIPMMG, nakaka-miss na
Sana Salve sa Tuesday meron na tayong Take It... Miss ko na talaga sila Cristy at Mr. Fu, at talagang kailangan na sigurong magkaroon naman tayo ng breaker sa boring ECQ.
Ayoko nang manood ng news tungkol sa COVID-19, ayoko ng isipin na marami walang trabaho, na sarado ang mga paborito kong resto, o iyon mga lugar na lagi kong gustong puntahan. Alam ko na dangerous lumabas ng bahay, pero hindi ba puwede na mag-ingat na lang, iwasan iyon dapat iwasan, huwag gawin iyon bawal, sundin iyon mga precaution?
Hindi na cabin fever ang problema mo pag masyado ka nang nakulong sa bahay, iyon bang thoughts na parang hindi mo na alam nangyayari sa labas, iyon body clock mo nag-iiba na rin, disoriented na ang oras at araw mo.
Please lang, kahit isang araw isang linggo, kita kits naman tayo. Iilan lang naman tayo sa Obra ni Nanay.
- Latest