The Final Pitch naghahanap ng ‘mga bagong bayani’
Makakasama sa ikaanim na season ng business reality TV show na The Final Pitch ang Managing Director ng 917Ventures na si Vince Yamat para maghanap ng ‘mga bagong bayani’ na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.
Sa episode na Heroes Edition, kabilang si Yamat sa grupo ng mga judge at negosyante na susuri ng mga panukala sa negosyo na ipakikita ng mga kalahok para matugunan ang pang-ekonomiya at panlipunang epekto ng pandaigdigang krisis sa kalusugan.
Ang mapipili ay makakasali sa Velocity ng 917Ventures, isang tatlong buwan na bootcamp na naglalayong ilabas ang mga talento at mga ideya ng mga kalahok at makalikha ng mga negosyo sa tulong ng 917Ventures at Globe.
Ang 917Ventures ang pinakamalaking corporate incubator sa Pilipinas na sinusuportahan ng Globe. Bumubuo at sumusubok ito ng mga bagong ideya sa negosyo na may potensyal na lumaki at lumago. Kabilang sa mga kumpanya sa ilalim nito ang GCash, KonsultaMD, AdSpark, HealthNow, PureGo at RUSH.
“Nag-aalok kami ng pagkakataon sa mga taong may magagandang ideya sa negosyo na sumali sa aming programa para magkaroon ng katuparan ang kanilang mga ideya. Bukod sa matutulungan sila ng 917Ventures, magagamit din nila ang Unfair Advantage na dulot ng Globe na binubuo ng higit sa 80 milyon na customers, isang milyong distribution points, at 150,000 mga business partners sa buong bansa,” sabi ni Vince Yamat.
Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ang Velocity ay gaganapin online at tinatayang magsimula sa Mayo ngayong taon. Ang 917Ventures ay handang magbigay ng puhunan, suporta sa operasyon, at tulong para sa pag-develop ng produkto.
- Latest